Innocent 1

27 1 0
                                    

"Girl, you're not fit in my group. look at yourself then look at me with my Amigas... just by looking at you we can say that you don't know what FASHION is. dear fashion is our life so I'm so sorry but you can't be our friends." Napabuntong hininga si Aria dahil sa paulit ulit na salitang naririnig niya sakanyang ulo those words came from her classmate na naging malapit na sakanya kaya napagdesisyunan niyang makipag kaibigan. but sad to say, ni-reject siya ng mga ito which is inaasahan na niya dahil isa ito sa bongga at mga maaarteng kilala sa campus nila. pero dahil dakilang matigas ang ulo niya at umaasa na tatanggapin siya ng mga ito ayun, ito siya sa isang sulok at paulit ulit na umaalulong ang salitang binitawan ni Beatrice sakanya.





"Bii, dito tayo.." Napalingon si Aria ng may marinig na boses. nakita niya ang isang couple na papunta sa kung nasaan siya.



"N-no... ayoko jan... sa iba na lang tayo.." Napayuko si Aria sa way ng pagkakatitig sakanya ng babae. kita sa mga mata nito ang pandidiri at pagkailang. ginusto ko ito kaya kailangan kong panindigan.




"Hola my dear friend!!" Napaigtag sa gulat si Aria ng biglang lumitaw mula sa likod niya si Danica. "Sabi na nga ba at nandito ka eh!"




"Huwag mo naman akong masyadong gulatin. aatakihin ako sayo eh." Daing ni Aria sa kaibigan habang nakahawak sa dibdib. tinaasan naman siya ni Danica ng kilay.




"Wag nga ako. wala ka namang sakit sa puso eh."





"Eh kahit na ba. nakakagulat pa din kaya."




"Ok fine. I'm sorry. eh kasi ikaw bigla na lang nawala eh..." Ani nito sakanya saka tumabi sa tabi niya. Kung may kaibahan man sakanilang dalawa iyon ay ang pananamit nila. kung siya ay tila pang losyang at masyadong makaluma kung pumorma si Danica naman ay millennial na millennial. sosyalin at tila minsan parang kinulang ito sa tela. "Aria... may ipapakiusap lang sana ako.." Napalingon si Aria sa kaibigan na seryosong nakatingin sakanya.






"Ano yun?"






"Pwede bang mag-gown ka kahit mamayang gabi lang? gusto kasi kitang isama sa birthday ng pinsan ko eh. please? lonely ako doon mamaya eh.. pretty please my dear friend?" Nanigas si Aria sa kinauupuan pagkarinig pa lang ng salitang GOWN. she really don't want to wear any luxury clothes specially gown because there's something to her na kahit anong magandang damit o kaya ay magara ay nagmumukha siyang sobrang ganda at kita ang pagiging anak mayaman sakanya. kaya nga ang pormahan niya ay pang-losyang at makapal na salamin na wala namang grado. "Sa reaksiyon mo parang ayaw mo talaga mag-suot ng gown..." Malungkot na bulong ni Danica kaya napatitig siya sa mukha nito na biglang ngumiti ng pilit. "Ok lang kung ayaw mo. hindi kita pinipilit. pero kung sakaling magbago ang isip mo punta kana lang sa event. ok? ito din yung invitation. I'll wait for you." Tumango si Aria bilang sagot. tinapik tapik naman ni Danica ang balikat niya saka tumayo. "I'm going home. I need to pack my things. ingat sapag-uwi." Ngiti lang ang sinagot ni Aria saka pinanood na maglaho ang kanyang kaibigan. Si Danica lang ang naglakas loob na kaibiganin siya. actually, aksidente kasi ang pagkikita nila. at hanggang ngayon ay naaalala niya pa din.






Naglalakad si Aria papunta sa paaralang papasukan niya ngayong koleheyo. kung tutuosin itong taon na lang ang hinihintay niyang matapos at graduate na siya.




"I said let me go! monkey face!" Napalingon si Aria ng makadinig ng sigaw na kanina niya pa naririnig ngunit hindi niya pinapansin. ngayon lang kasi hindi na siya nakatiis. at sa gulat niya nakita niya ang isang babae na pinapalibutan ng tatlong lalaki at hinaharass ito! hindi alam ang gagawin ni Aria sa nakita kaya ng makaisip ng kalokohang makakatulong sa babae ay agad siyang gumawa ng eksena. bumalik siya lugar kung saan medyo malayo sa mga ito saka muling tumakbo pabalik habang sumisigaw ng malakas.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tempting the InnocentWhere stories live. Discover now