Prologue...

33 0 2
                                    

*SEVILLA's RESIDENCE, 7:30 pm*

kumakain ng hapunan ngayon si Calix kasama ang kanyang kaibigan na si Aiki.

"Oy pre, tara labas tayo." -Aiki

"San naman tayo pupunta ha?" -Calix

"Dyan lang sa labas."

"Ano naman ang gagawin natin dun, aber?"

Tumingin sya sa itaas at nagisip. Maya maya pa'y tumayo si Aiki at hinigit si Calix palabas ng bahay.

"Hoi! Pre di tayo talo!" -Calix

"Baliw labas nga tayo eh. May pupuntahan lang tayo!" -Aiki

"Ano bang problema mo at sinasama mo pa ko? Pwede namang magpasama ka sa iba, ba't sakin pa?"

"Eh kasi alam kong di mo ko matatanggihan."

"Paanong di matatanggihan?"

tumapat sila sa isang bahay na maraming tao.. Maya maya pa'y tumingin si Aiki kay Calix..

"Bakit pre, gwapo ba?" nag pogi sign si Calix

"Pre, kung may gwapo sa ating dalawa.." tinap ni Aiki ang balikat ni Calix "Ako yun.."

binatukan bigla ni Calix si Aiki..

"Kahit ngayon lang sana eh puriin mo na ko. Ano ba kasing ginagawa natin sa bahay na to?" -Calix

"Kasi pre.." may nakita syang babaeng kumakaway kaway sa kanya. "I have some business to do.." -Aiki

iniwanan bigla ni Aiki si Calix at pumasok sa loob.

"Sira ulo talaga ang isang yon! Sinama pa ko dahil sa business nya." lumakad na sya papasok ng bahay. "Haaaaay.. nasan naba si Aiki? May pa-business business pa syang nalalaman, yun pala babae lang.." -Calix

 Pumunta sya dun sa may kainan at kumuha ng isang inumin at lumakad palabas.. Nang biglang...

*SPLASH*

"Ay! Pasensya na po!"

nabangga kasi siya ng isang babae kaya natapos sa kanya ang kanyang iniinom.

"Ba't kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo ha?! Wala ka bang mata?!" -Calix

"Meron. Nakikita nga kita eh kaya may mata ako." sagot ng babae

"Kung may mata ka ba't di mo nakitang may hawak na drinks?!"

"Ahhh.. Siguro dahil sa nagmamadali ako kaya di kita nakita."

"Hindi ka sigurado?! Tingnan mo nangyari sa damit ko, madumi na!"

"Eh ano bang pinuputok ng butchi mo ha? Nag sorry na nga ako tas nagagalit ka pa rin dyan. Kung yang damit mo ang pinoproblema mo edi magpalit ka. Kay dali ng problema mo aba."

Sana Siya Na YunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon