Chapter 1: Jannela Louise Santos

31 0 2
                                    

<Kinabukasan>

*Sevilla's Residence*

-Yohanne Calix' POV-

 

"Hoi pre. Gising na.."

Sino ba yun? Inaantok pa ko eh.

"Pre, kahit kailan talaga tulog mantika ka."

Ano daw? Sino tulog mantika? Ako?!

"Bahala ka dyan. Wag kang magagalit pag nauna akong pumasok sayo ha."

Minulat ko ung mga mata ko at nakita ko si Aiki na nakatitig sakin. Lecheng casanova to..

"Hoy Aiki, pinapaalala ko lang sayo ha, di tayo talo. Tandaan mo yan." -me

"Baliw! magugunaw muna ang mundo bago ako magkaroon ng pagnanasa sayo!" -Aiki

Binato ko sa kanya ung unan ko at tumayo.. 

"masakit yun ha!" -Aiki

"Wala namang di masakit pag nambabato ah.." -me

"Meron!"

"Ano?"

"Edi..." binato nya sakin yung unan. "pagmamahal! Bwahaha!"

Tumakbo sya palabas ng kwarto ko.. Baliw talaga yun.. Kahit kailan talaga casanova yun..

"Hoy Yolix! Wag kana mag daydreaming dyan! mag ayos kana!" -Aiki

"Day dreaming mo mukha mo!" -me

pumasok ako sa cr at naligo.. Wuhuuuu! Sarap maligo, malamig!

*************************

Haaay.. salamat naman at tapos na rin. Nagbihis at bumaba na ko papuntang kusina para kumain. Pagdating ko eh..

*lingon*                  *lingon*                       *lingon*

Teka... Asan yung ulam? Ba't kanin lang ang nandito?

"Ah.. Aiki..." lumapit ako sa kanya. "Nasan yung ulam?" -me

tumingin sya sakin at pinakita ang isang pirasong ham na kinakain nya.

"Gusto mo hati tayo?" -Aiki

"Anong Hati?! Baliw ka ba ha?!" -me

"Hindi.. Eto na lang ang natira eh.."

"Anooooo?!" binatukan ko sya. "Anong yan na lang ang natira ha?! di mo ko pinagluto?!"

Sana Siya Na YunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon