Chapter 3: Phobia

22 0 0
                                    

<KINABUKASAN, SEVILLA's RESIDENCE, 5:00 am>

-YOHANNE CALIX's POV-

Haaaaaaay... Grabe antok pa ko.

"Hoy Calix!"

Sino ba to? kasasabi ko lang inaantok pa ko eh!

"Calix!"

Isa pang tawag sa pangalan ko, babanatan ko tong isang to.

"Haaaaay... Louise ikaw na nga ang gumising."

"Ha? Bakit ako? Ginising gising mo ko ng maaga tas pupunta lang pala tayo dito para gisingin yang si bingengot."

"Eh Louise kailangan na natin syang gisingin."

"Eh bakit ba? Kung ayaw nyang bumangon edi bahala sya."

"Louise naman eh."

"Ihulog mo nang magising yang si bingengot-- este si Calix."

A-ano daw? Ihulog ako--

 

*BLAG*

 

"ARAAAAAAAAAAY!!!!!" -me

Hinulog nga nila ako sa kama. Leche tong mga to!

"TAKTE! ANO BANG GINAGAWA NYO DITO HA?!" -me

Hinampas nila ako ng unan.. OO sabay sila.

"Ang ingay mo--" dumaan sa kanya ung alaga kong daga. "KYAAAAAAAAH!!!!" tumakbo sya kay Aiki at nagtago sa likuran nito. "A-Aiki may daga.." -Louise

"Louise naman.. Daga lang yan." -Aiki

"A-Aiki alam mo namang takot ako sa daga eh.."

Pilit kong di tumawa... Grabe tong babaeng to..

"Calix kunin mo na nga yang bubwit mo." -Aiki

"May pangalan yan.." -me

"Ano?"

Haaaaaaay... Ano ba yan? Nakalimutan na ba nya?

"Stuart.." -me

"Stuart? Ano to, Stuart Little na kulay black?" -aiki

"Sino bang baliw ang nagpangalan sa daga ko ng stuart ha? ikaw diba?"

"Ako ba?"

"Hindi.." tinuro ko si Louise. "Sya sya."

Napakamot sya ng ulo.. Engot talaga nito...

Sana Siya Na YunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon