Warning !! Contains horrible scenes that is not suitable for very young readers. This is not edited. Sorry for the wrong spellings, wrong grammar. Typographical error.
1538
●●Sivera (12 years old)●●
Dahan dahan ang pagbubuhat ni sivera sa isang plangganang punong puno g mga damit ni nilabhan niya. Nagkanda sugat sugat na ang kaniyang kamay habang nagkukuskos ng maruruming damit nila sa tabi ng umaagos na tubig ilong sa ibabang bahagi ng bundok. Kailangan pa niyang maglakbay ng mahigit kalahating oras para makauwing muli sa kanilang tahanan.
Sa sobrang bigat ng kaniyang dala ay dumulas ang hawak niyang planggana sa kaniyang kamay. Dahilan para magkagasgas ang kaniyang namumulang kamay. Halos hindi tumigil ang pagdurugo ng kaniyang kamay pero kailangan niyang tiisin pagkat tanghali na kailangan pa niyang magluto ng pagkain nila.
NILA. Dahil simula ng mamatay si Marcus ay hindi na niya nakakasalo ang kaniyang magulang. Bagkus ay kinukulong siya ng mga ito sa kaniyang kwarto at tatapunan lang siya ng pagkain sa sahig kapag naisipan ng mganito na pakainin siya.
Minsan kaseng nahulihan siya ng mga ito na palihim na kumakain sa kusina ay sampal palo at suntok sa sikmura ang inabut niya. Minsan ay pag may nagagawa siyang mali ay isang linggo siyang hindi pinapalabas sa kwarto niya. Tanging ang nagbibigay lang ng buhay sa kaniya ay ang tubig sa gripo ng banyo sa loob ng kaniyang kwarto.
Habang palapit siya ng palapit sa kanilang mumuntig tahanan ay palakas ng palakas ang paghiyawnng kaniyang ina.
"Sivera!!"
Halos madulas na ako sa pagtakbo para lang makarating agad sa aming bahay. Mahirap na baka lalo akong mapagalitang nito. "Papunta na po inay!"
"Putris kang bata ka!" At agad itong lumapit upang kaladkarin ako sa loob ng bahay. Sa bilis nitong kumilos ay halos hindi na masabayan ni Sivera ang paglalakad kayat natisod siya at nagsitapunan ang mga nilabhan niya.
"Ang kupad kupad mo na nga ang lampa lampa mo pa! Napaka walang kwenta mo talaga! Dapat ikaw na lang ang namatay at hindi si Marcus dahil wala namang pakinabang sayong puta ka!" At muli siyang kinaladkad ng kanyang ina papasok ng bahay. Hindi na niya mapigilang mapaiyak dahil sa tindi ng emosyon, pagod, hinanakit, at galit na namumuo sa kaniyang puso.
"Diba sabi ko sayo pagdating ko dapat may luto na? At nagmumuni muni ka pa?!"
"Linda! Tama na yan! Ano bang ginawa sayo ng bata!" Agad na pagtatanggol sa kaniya ng kaniyang ama. Himala at hindi ito lasing ngayon.
"Tingnan mo nga Pablito yang batang yan! Hindi pa nagluluto ng aalmusalin natin. Diba may darating kang mga bisita mamaya! Nakakahiya sa mga bisita mo kapag wala tayong naipakain sa kanila."
"Mamayang gabi pa sila makakarating. Pumasok ka na lang sa kwarto para magpalamig ng ulo. Sivera. Sivera!"
"P-po?" Nakalupagi parin sa sahig si Sivera habang takot na takot sa kaniyang ina na masama ang tingin sa kaniya.
"Magluto ka na at kakain na kame. Pagkatapos mo diyan ay pumasok ka na sa kwarto mo at linisin mo ang kwarto mo. Dapat bandang gabi ay naligo ka na. Mag ayus ka rin ng sarili mo. Magsuklay ng buhok at maghiso. Binilhan kita ng mabangong sabon kunin dito sa ibabaw ng lamesa mamaya pagkatapos mong magluto."
Halos humagulhol sa narinig si Sivera. Kahit papaano pala ay may malasakit parin sa kaniya ang kaniyang ama. Pansin siguro nito na hindi na siya naaalagan ng kaniyang inay kaya't binilhan siya nito ng sabon at pinapagligo.
BINABASA MO ANG
Immortal Mates: Possessive Alpha
Loup-garouPharsa is known to be a mysterious woman who doesn't want any attention from others, especially men. Her years of existence is not as joyful as it may seem. Running from her past, she doesn't want any distractions. The only thing she needed to do is...