Chapter 2 Unexpectable Abilities

55 2 0
                                    

Stop being afraid of what could go wrong and start being excited about what could go right
______________________

●●Sivera●●

1538
Amarra Mountains

"Ate ate! Tara punta tayo sa gubat may naririnig akong mga huni ng mga ibon!" Hindi magkaintindihan sa pagtawag sa akin ang kapatid kong si Marcus. Si Marcus ay 9 na taong gulang samantalang ako naman ay 11 taong gulang.

Madalas kaming mamasyal sa gubat pagkat ang aming tirahan ay nasa tuktok ng bundok. Tahimik at walang ibang taong nakatira roon kundi kami lamang ng aking pamilya.

Mangailangan man kami ay bumababa kami sa bundok sa loob ng isa at kalahating araw upang bumili sa syudad ng mga kakailanganin namin sa loob ng isang buwan.

Nilulubos na namin ni Marcus ang paglalaro sa gubat pagkat bukas na bukas rin ay bababa kami ng bundok upang sa syudad manirahan. Nakahanap ng trabaho ang aming ama sa isang malawak na hasyenda.

Magiging tagapag alaga ang aming ama roon ng mga hayop habang ang aking ina ay mananatili sa pagaalaga sa aming magkapatid.

"Ate ang ganda ng huni ng ibon! Kakaiba, ngayon ko lang to narinig."

"Nakakalungkot mang isipin pero ito na ang huling araw natin sa bundok. Hindi na natin masisilayan ang mga ibong ito paglaon."

Pagbaling ko sa tabihan ko ay wala na ang aking kapatid sa tabi ko at agad akong nataranta. "Marcus!"

"Nandidito ako ate!" Pagbaling ko sa likod ay nakatayo ang aking kapatid habang may hawak na pulang rosas. Iniaro nito sa akin ang rosas at naging seryoso ang mukha nito.

"Ate Sivera. Maraming salamat." Pagkasabi niyon ay ngumiti sa akin si Marcus. Ang mga buhok nitong malambot ay napapahid ng hangin. Kahit anong pawis nito ay hindi parin ito maruming tingnan.

Napakunot ako sa aking kapatid. "Bakit ka naman nagpapasalamat sa akin?"

Abot tenga ang ngiti nito, "Dahil ang swerte ko sayo ate. Ikaw ang pinakamabait na nakilala ko bukod kay inay." Agad kong niyapos ang aking kapatid.

"Marcus, mahal kita. Dapat lang na maging mabait ako sayo dahil kapatid kita."

Nagtagal kame ng ilang minuto sa gitna ng gubat habang nagkekwentuhan ng masasaya naming ala alang magkapatid sa gubat na iyon.

Hindi naglaon ay nagyaya ang aking kapatid.

"Halika ate. Ating baybayin ang paborito nating daan patungo sa talon. Sabi ni tatay malakas daw ang agos ng tubig sa talon ngayon pagkat umulan kaninang madaling araw."

Tumatakbo kami habang tinutungo ang talon. Hindi pa natutuyo ang tubig ulan kayat putikan ang aming nadadaanan.

Sa sobrang kasiyahan ng aking kapatid ay hindi na nito napapansin ang putikang madadaanan nito kayat nang mapatapak ito sa putik ay agad itong nadapa.

"Marcus! Magingat ka!"

"Ate Sivera!"

Labis akong kinabahan sa pagkakadapa nito pagkat ang tabi ng aking kapatid ay mismong talon na.

"Labis mo akong pinakaba Marcus." Maingat akong lumapit sa kapatid ko para abutin ang kamay nito. "Lagot tayo kay inay pag nakita niyang marumi ang ating damit." Pagbibiro ko sa aking kapatid.

Aabutin na sana ng aking kapatid ang aking kamay ng muli itong nawala ng balanse sa katawan at muli itong natumba.

Ngunit ang pagpatak ng kapatid ko ang labis na nagdulot ng takot sa akin pagkat hindi lupang putikan ang binagsakan ng kapatid ko kundi ang mga batuhan sa gilid ng talon.

Immortal Mates: Possessive AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon