Chapter 3 Deep Thoughts

52 1 0
                                    

Kidnap me from reality and crushed pieces in my soul,

Color me outside the lines until my shattered heart is whole.

-Perry

______________________

●●Sivera●●

1538
Amarra Mountains

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang mawalan ako ng kapatid. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Parang isang masamang panaginip ang aking nasilayan. Paulit ulit na nananahan ang pangyayaring iyon sa aking isip, halos bawat minuto na ng aking buhay. Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang pagkahulog ng aking kapatid sa talon.

Kahit sa imahinasyon manlamang ay magawa kong mailigtas ang aking kapatid sa iba't - ibang paraan. Kahit sa imahinasyon manlamang ay makita kong ligtas si Marcus.

Ang kapatid ko...

Dahan dahang tumulo ang luha ko sa aking mga matang hindi na nakapahinga mula ng araw na mamatay ang aking kapatid. Ni hindi ako makatulog ng ayos pagkat sa panaginip koy kapatid ko parin ang nananahan sa panaginip ko.

Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko manlang siya nailigtas. Wala akong ibang ginawa kundi tumayo at panooring nahuhulog ang kapatid ko. Siguro kung tumalon rin ako'y baka nasagip ko pa siya. Siguro kung sinundan ko siya sa talon ay baka nahawakan ko pa ang kamay niya at dalhin siya sa mababaw na bahagi ng mabatu-batong ilog.

Sa maigsing panahon ay naging karamay ko ang aking kapatid sa hirap at sarap ng buhay. Lumaki kaming dalawa ng may pangako sa bawat isa na kami ay magiging magkasangga sa kahit na anong problema. Lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap lamang.

Halos isang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi parin nababawasan ang hinagpis ko, bagkus ay nadagdagan pa ito.

Sa halip na magtulung-tulong kaming pamilya na makaahon sa pagkawala ni Marcus ay lalong nadagdagan ang hinagpis na nadarama ko. Ang pamilyang kinagisnan ko na buong buhay ko'y nagmahal sa akin ay nagbago sa isang iglap.

Mula sa pagkakaupo ko sa bintana ng aking kwarto ay nararamdaman ko ang simoy ng malamig na hangin. Madaling araw na, unti unti nang lumalabas ang sinag ng araw. Bagay na lagi kong nakikita halos isang buwan. Pinipilit kong imulat ang mga mata ko dahil sa tinding antok at pagod.

"Marcus. Kapatid ko." Wala nang luhang maipatak sa aking mata. Tinaas ko ang aking kamay at pilit inaabot ang sinag ng araw mula sa kalayuan. "Marcus... wag mo akong iwan."

"Sivera!!!" Tawag ng aking ina mula sa ibabang bahagi ng aming bahay. "Pumarito ka sa ibaba at ipagluto mo kami ng pagkain! Bwisit kang bata ka! Wala na kaming mapakinabangan sayo!"

"P-pap-punta na po." Dali dali akong bumaba sa hagdan at sinalubong ang aking inang nakapamaywang. Ang mata nito'y nanlalaki at galit na galit na nakatitig sa akin.

Ang aming tahanan na dating punong puno ng pagmamahal ay tila naging budega sa sobrang dumi at kalat. Mula ng mawala si Marcus ay araw araw bumibisita ang aking mga magulang sa puntod ng aking kapatid habang ako'y nandito sa bahay at nakakulong. Pag dadating sila mula sa kanilang pupuntahan ay walang pagkakataong hindi ako sasaktan ng aking ina.

Ang aking ama ay hindi makausap ng ayos sa sobrang paglalasing. Nagkalat ang mga bote, mga damit nilang marurumi na nagsampay sa kung saan, mga pinagkainang hindi na nahuhugasan.

"Ikaw na bata ka! Titingnan mo lang kami?! Diba sabi ko sayo pagpatak ng alas tres ng umaga ay dapat gising ka na!" Hinila ng aking ina ang aking buhok at agad akong tinulak ng sa may kusina. Nagpagulong gulong ang katawan ko sa sahig. "Linisin mo ang kalat na iyan at maya maya ay darating ang mga kaibigan ng tatay mo!"

Immortal Mates: Possessive AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon