Chapter 10* autograph💕

10 1 0
                                    


Authors Pov*

Inlove?- hindi natin yan maiiwasan lalo na kung kalog at joker yung kausap o kasama mo.

Pero...

Hindi din natin maiiwasan ang masaktan. Normal na yan sa isang relasyon. In the stage of my life, dami ko ng naranasan tungkol sa pag-ibig naron na yung puntong iiwan ka, paglalaruan at paluluhain ka, sasaktan. Naron na din yung kailangan mong pumili sa dalawa, ang hirap talaga, pero wala namang nagmamahal na madali diba? Lahat mahirap, lahat handa mong tiising ang mga pagsubok sa inyong pagmamahalan. Kung mahal niyo ang isa't-isa TIWALA LANG😊

In the stage of this story, dami nilang pagsubok sa buhay lalo na sa pag ibig. Naron na yung nasaktan sila, nagpapakumbaba, nagparaya, umiyak at higit sa lahat iniwan.

Handa ka bang umiyak for this story? Well, if handa ka na, lets start-----

Ang kwento ito ay hango sa nabasa at napanood kong movie. Well, hindi ko na ididitalye lahat.

-------------------

Kyle Pov*

Tumayo na si mama, upang magligpit ng pinagkainan namin. Tinulungan ko na lamang ito.

" ma, ako na ang magliligpit, pahinga na kayo ma"

Kinuha ko sa kamay nito ang plato na sana dadalhin niya na sa kusina.

Tinignan na lamang ako nito.

" ma, magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito"

" nak naman"

" ma, wag ng matigas ang ulo, kaya ko na dito, ikaw, kailangan mo ng magpahinga"

Ganun na lang ang ngiti ng makita ko si mama na sinunod ako. Hindi ko kasi kaya na makita si mama na nahihirapan, mahal na mahal ko kasi si mama. Naalala ko tuloy na halos kutyain na ako ng mga kaklase ko noon, dahil sa mama's boy daw ako. Pero hindi ko sila pinansin, dahil sa lahat ng babae dito sa buong mundo, si mama lang ang mahal na mahal ko, pangalawa ang babaeng matagal ko ng pinapangarap si Princess ko.😍😁

Kailan kaya siya magiging akin? Kailan magiging akin ang babaeng matagal ko ng pinangarap. Ang babaeng halos araw2× nakikita ko sa school, katabi ko sa upuan, ang babaeng tumutulong sa oras na kailangan ko ng tulong sa mga reports ko, ang babaeng poprotektahan ko kapag may manakit sa kanya? Sana, ang lahat ng sana ay matupad na.

Wish ko this coming christmas or my birthday siya ang regalo sakin ni God. Siya lang ang hiling ko, wala ng iba pa.

(-)(-)(-)(-)(-)(-)-()()*)

Halos hindi ko namalayan na paubos na pala ako sa paglalaba ng plato. Iba talaga pag siya ang iniisip ko. Halos nagagawa ko ang lahat ng gawain dito sa bahay.

Pagkatapos kong maghugas ng plato. Umakyat na ako at pumasok na sa kwarto. Humiga ako habang nakikinig sa paborito kong tugtog.

YOU ARE MY SONG BY: ERICK SANTOS NOW PLAYING🎶🎵🎧

Halos maipikit ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ang kantang yun. Naalala ko tuloy yung mga ngiti niya, tawa niyang nakakahawa.😁😅

Naidilat ko muli ang aking mga mata. Napatitig ako sa kisame. Nakita ko ang mukha niya dun.

Obssessed na ba ako sa kanya? Ito na ba ang tinatawag na LOVE? O SIMPLENG PAGHANGA LANG 'TO?

Haist! Ang gulo.😅😅 pero I admit it to myself na siguro, inlove na ako sa kanya.

Gusto ko siyang ligawan, gusto ko siya mapasa akin, pero paano? Hindi ko din alam ang gusto niya sa isang lalaki.

Hmmmf! Pano ko nga ba malalaman ang mga katangian ng isang lalaki ang gusto niya?🤔

Alam ko na, by signing a authograph. Teka! Wala naman ako nun ah, 😥

Umupo ako sa pagkakahiga, nag isip.

Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang kababata ko, binigyan niya pala ako ng authograp, pero hindi ko pa yun nagagamit, tinago ko na lamang kasi hindi ko naman talaga hilig ang mag signing authograph na yan, for me, for girls only lang naman yan.pero ngayon gagamitin ko na siya.

Hinanap ko iyon sa mga paglalagyan ko ng mga nakatago kong mga libro na matagal ko ng hindi ginagamit o binabasa.

Hinalughug ko iyon doon.

Sa wakas nahanap ko din iyon. Alam ko na ang gagawin ko para maka signing siya sa autograph ko. Magkukunwari akong may nauna na sa kanya ng sign sa autograph ko, para siya naman ang sunod.😁 ang talino ko talaga. Malalaman ko na ang gusto niya, paborito niya at higit sa lahat yung mga gusto niya sa isang lalaki.😍😘

Ika nga ni Layla sa Mobile legend
(Its time to Shine)😅😅

-autograph💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TaningWhere stories live. Discover now