sa dulo ng walang hanggan

73 1 0
                                    

ang dagok sa buhay , labis na pagmamahal at takot ay maaring maging taning sa isang buhay ng nilalang... bilang isang tao ay may kanya kanya tayong kakayahan upang harapin ang mundong ito na may tapang, lahat ng magiging desisyon ng bawat isa ay ayon ito sa tapang na nagkakaroon ng iba't ibang kahulugan, maaring kaduwagan sa opinyon natin ngunit ito'y katapangan sa ibang opinyon ng bawat indibidwal. May mga sarili tayong opinion ngunit hanggang opinion na lamang ito dahit ang tanging may karapatan humusga ay ang tagapaglikha na saksi sa bawat pangyayari ng kanyang nilalang...

Isang tahimik na gabi, habang si Flor nakatingala sa ulap, pinagmamasdan ang mga kumikinang na tala sa kalangitan. Nang biglang nasulyapan nito ang bumubulusok na liwanag, sabay nitong hiling "oh akin Panginoon hinihiling ko o naway kami ay biyayaan mo ng supling na magiging simbulo ng amin walang hangganang pagmamahalan ng akin mahal na asawa" na hindi niya namamalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha na para bang dinudurog ang kanyang mga puso na tila nawawalan na ng pag-asa mabiyayaan ng anak.

"oh gabi na, gising ka parin! iniisip mo ako noh? kahit na araw-araw at halos minu-minuto tayong magkasama." pabirong tanong ni Henry na asawa ni Flor sabay ng malakas nitong halakhak, iyak naman ang sagot nito na tila hindi nito narinig ang mga biro ng kanyang asawa. "mamahalin mo parin ba ako kahit hindi ko maibibigay ang masayang pamilyang pinapangarap mo? ang anak na anim na taon mo ng inaasam?" humahagulgol na tanong ni Flor. Pagkagulat lang ang natamo ni Henry at mabilis niyang sinagot ang tanong ni Flor "asawa ko, oo ninanais ko ng magkaroon ng anak tulad ng pangarap ng bawat mag-asawa, ngunit kung nakatadhana man na hindi tayo biyayaan ng ating Maykapal buong puso ko itong tinatanggap, at ang pagmamahal ko sayo ay mananatili magpakailan man at kung hindi sapat ang magpakailan man upang ikaw ay akin mahalin sa kabilang buhay ikaw parin ang aking mamahalin at kung hindi parin sapat ang kabilang buhay at ako'y muling lalangin ng akin panginoon ikaw parin ang pipiliin kong mahalin at makasama ng walang hangganan." mahabang sagot ni Henry habang pinupunasan ang mga luha ng kanyang asawa at hinalikan sa mapula nitong labi.

Sa katahimikan ng gabi at malamig na simoy ng hangin lumiliyab sa init ang nadarama ng mag-asawa, init ng pagmamahalan, habang si henry ay walang tigil sa paglasap ng malalambot na labi ni Flor, mga halik na tila bang wala ng bukas, halik na mula sa labi, pababa ng leeg at paibaba habang pinaglalaroon ni henry ang puson ng kanyang asawa gamit ang mga dila nito hanggang sa pareho silang nakaraos sa tawag ng laman.

Makaraan ang ilang linggo, sa isang umaga naratnan ni Henry ang kanyang asawa na masama ang pakiramdam. "asawa ko, baka kailangan na kitang dalhin sa bayan ng malaman natin bakit halos araw-araw masama ang pakiramdam mo" pag-aalalang katanungan ni Henry. "nanggaling dito si Aling Mercy, asawa ko, natupad na din ang matagal na nating hinahangad, buntis ako" naiiyak sa saya na pagbalita ni Flor.

Sa kabuwanan ni Flor, halos hindi na namamahinga si Henry sa pagkayod nito bilang paghahanda sa panganay nilang anak na kahit anong oras ay masisilayan na ang Mundo. hanggang sa isang buong gabi nag-aantay si Flor sa kanyang asawa ay wala ni anino ni Henry ang dumating. lubha ng nag-aalala si Flor. ilang araw pa ang nakalipas na wala parin Henry na dumating, minarapat na ni Flor magtungo sa bayan kung saan may mga kakilala sila upang magtanong-tanong hinggil kay Henry, ngunit ng makarating si Flor tila bang wala nakakakilala sa kanya na wari siya ay isang hangin na nararamdaman ngunit hindi nasisilayan. Kaya minarapat nalang ni Flor bumalik sa bukirin.

Nagdaan pa ang mga araw halos araw-araw si Flor sa paglalakbay patungong bayan ngunit sadyang mailap ang tadhana upang mahanap si Henry, Sadyang pinagkakait ng tadhana upang malaman kung ano nga ba ang nangyari kay Henry, pilit man ni Flor magtanong-tanong ngunit sadya ngang walang nakikitungo sa kanya na para nga siyang hangin sa taga bayan na nararamdaman ngunit hindi nasisilayan.

sa dulo ng walang hangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon