"Yes ma'am we will fix it immediately, yes po, okay, thank you" sagot ko sa kabilang linya. 1:48pm na, hindi pa ako naglulunch, Grabe ang daming callers ngayon.
By the way, let me introduce myself to all of the readers, I am Cristenn Jhade Dela Cruz, 24 years of age, from Quezon City, Philippines! And I'm a call center agent as you can see, -I mean as you can read.
Well, naka-graduate naman ako ng maayos pero call center agent ako ngayon kasi inalok ako ng pinsan ko na mag call center muna habang naghahanap pa kaming bakanteng trabaho na maayos.
Pumayag naman ako kasi kailangan ko rin ng pera ngayon, di naman kami mayaman, at may pinag-iipunan talaga ako kaya kailangan ko ng pera. Ayoko namang manghingi ng pera sa parents ko kaya gumawa ako ng paraan at ayun, nag- call center muna ako.
Okay! So ayun lang yung introduction ko, kasi kakain na ako dahil di pa ako kumakain ng tanghalian,
"Ohh CJ break ka muna?" tanong sakin ng ka workmate kong si Iris, "Oo, kanina pa ako hindi kumakain ehh" sagot ko "Ahh sige! Para mamaya rin may energy ka na ulit, tamlay mo na ehh" Oo nga, nakakapagod kasi talaga "Oo na, sige mauna na ako" at saka ako umalis.
Pasaway talaga kami, hindi pa namin dismissed pero nagbre-break na kami para kumain, di alam ng boss namin toh (wahaha) pag tinanong ng boss namin kung nasan kami sasabihin lang namin na nag cr lang.
^__^Pumunta ako sa may parking area, may dala naman akong kotse ngayon kaya makakakain ako sa gusto kong kainan, di tulad kahapon di ko dala kotse ko kasi coding ako, di tuloy ako nakakain kahapon sa Tokyo-tokyo, dun trip ko kumain kahapon ehh, pero ngayon gusto ko kumain sa Chowking! nagcra-crave ata ako sa Chao fan nila, bilisan ko na lang maglakad para makakain na ako.
Sandali, siguro nagtataka kayo kung bakit ako may kotse eh di naman kami mayaman. Well, mabait ang pinsan kong sobrang yaman. Pinsan ni Papa ang Mommy nya, kumbaga second cousin ko na siya. Thanks a lot to Iris dahil di lang siya maganda at mayaman, mabait pa siya.
Well, inaalok kami ng parents nya na pahiramin kami ng pera, pero hindi namin tinatanggap dahil kaya naman namin, lalo na ngayong graduate na ako.
Si Iris nga rin pala ang nagbigay sakin nitong kotse ko, Oo KO dahil akin na talaga, para daw di na ako mahirapan pumasok sa work. "Maswerte talaga ako" bulong ko sa sarili ko.
Pagdating ko sa parking area nagulat ako kasi may pagkain sa ibabaw ng kotse ko, kinuha ko yun at WOW Chao fan ng Chowking. Kanino kaya toh. Napansin ko may nakadikit na sticky note sa plastic nito at nagulat ako ng mabasa ito:
For CJ,
Alam kong di ka pa kumakain kaya pinadalhan kita, wag kang magpapalipas ng gutom ahh, take care of yourself. Wag kang mag-alala walang lason toh :)
From your admirer,
JMWow admirer daw ahhh! Sino naman kaya nagpadala nito? JM? Hudat? Pero thank you narin di ko na kailangan pang umalis.
Ito na lang kakainin ko wala naman daw lason, kakainin ko na lang toh sa loob ng kotse.
Pero paano kaya kapag may lason talaga ito?!
Hmmmmm...
Maya-maya may nakita akong pusang napadaan, pusang gala ata toh.
Ahh! Alam ko na! Wahahaha may naisip akong gawin para makasigurong walang lason toh!
"Meow, meow" tawag ko sa pusa, buti effective kasi lumapit siya sakin. Binigyan ko sya ng isang kutsarang Chao fan tapos nang nakain na niya naghintay ako ng siguro mga 2 minuto para tignan kung nalason yung pusa.
BINABASA MO ANG
In my Delusion
RomanceEverything in this moment was happiness.. Everything was theatrical.. Everything was remarkable.. But then, In just a wink, everything changed. Everything was inferior. It felt like a torment that happened in my delusion. Copyright 2018©