Chapter 2: Meet And Greet

24 4 5
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas at nandito na rin si Iris ay hindi ko pa rin mahanap ang cellphone ko mamaya na nga lang baka naiwan ko dun sa loob ng kotse.

"Tara na?" tanong sakin ni Iris, tumango na lang ako at sumunod sa kanya papunta sa Max's Restaurant.

--

"This is Akira, kapatid siya ni Brett" pakilala ni Iris sa babaeng nakaupo sa harapan ko.

"And this is Marga, Klare, and Kim" sunod niyang pagpapakilala sa katabi nung kapatid ni Brett.

"Itong mga lalaki naman sa kabilang side ay sina Luis, Xyjhan, at Justin" napatingin ako sa mga lalaking nakangiti sakin kaya naman nginitian ko din sila.

Nakatayo kami ni Iris sa tapat ng mahabang table dahil pinapakilala niya muna ako sa mga kaibigan niya.

So bale ganito ang itsura:

_______
Kim T Justin
Klare A Xyjhan
Marga B Luis
Akira L (space)
E Brett
Ako Iris

"Teka, teka... bakit kulang kayo? Akira nasan yung jowakers mo? At saka nasan si Kyle pati yung pinsan mo Luis?" ani ni Iris nang mapansin nyang kulang sila.

"Ate Iris, di nga makakapunta si love kasi sinundo niya si Andie at dahil mahal na mahal ni Kyle si Andie sumama pati siya sa airport" paliwanag ni Akira.

"Ahhh..." patango-tangong sagot ni Iris.

"Ehh nasan na yung pinsan mo Luis? Nasan si Khel?" tanong niya kay Luis.

"Ahhh, kanina kasi nagpaalam siya sakin na magc-cr lang daw" sagot ni Luis.

"Kanina? Ehh bat parang antagal naman ata nun? Gaano ba kahaba ang ihi nun at sobrang tagal naman ata?"

"Oh ehh ayan na pala sya ehh" biglaang singit ni Brett sa usapan habang nakaturo sa lalaking naka white polo shirt.

Wait, parang kilala ko toh ahh, siya yung nakabangga ko sa CR kanina!

Nagtama ang mga tingin namin kasabay ang paglaki ng mata nito nang marealized niyang nakatingin rin ako sa kanya.

"Ayun! Nandito ka na pala Khel ehh" sabi ni Iris sabay akbay sa lalaking nakabangga ko kanina.

"H-hi, C-CJ!" nauutal na bati nito sakin.

"Teka, kilala mo ko?" tanong ko sa kanya dahil alam na niya agad ang pangalan ko.

"Ahhh, Ummm" di mapakaling sagot nito sakin

"Diba nagkita na kayo?" singit ulit ni Brett sa usapan. Nasa dugo na niya ba talaga ang pagsingit?

"Huh?" halata kay Iris ang di pag gegets.

Paano nalaman ni Brett na nagkita na kami kanina? Kasama niya ba itong lalaking naka white polo nung nagkabanggaan kami?

Nang sumulyap ako sa lalaking naka white polo, malaki ang mata nito na nakatingin kay Brett at nakakunot ang noo.

"Sinundan mo ba ko kanina?" tanong nito kay Brett natinaasan lang siya ng kilay.

"Anong sinundan? Ano ako buntot mo? At saka nagkita na talaga kayo nitong si CJ naalala mo ba nung sinundo natin si Iris sa work niya sinama kita kasi may pupuntahan tayo pagkatapos natin siya sunduin tapos naabutan nating kasama pa ni Iris si CJ" pagpapaliwanag ni Brett.

"A-ahhh, oo nga pala" kamot ulong tanging sagot ni kuya na naka white polo at halatang nahimasmasan na rin siya na hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In my DelusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon