Part 1

22 5 17
                                    

desolation

noun

- anguished misery or loneliness.

* * *

May mga bagay tayong ninanais pero hindi natin nakukuha. May mga bagay rin na hindi naman natin ninanais pero ating nakukuha. Pero paano kung may bagay kang nakuha na pareho mong di gusto at gustong mangyari. Makakatakas ka pa kaya?

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa sementeryo, dala ang isang bouquet ng bulaklak na puno ng white lilies. It symbolizes purity, innocence and virtue. Ito ang perfect flowers para sa aking kaibigan na maagang nawala sa mundong ito.

Maririnig mo naman ang mga huni ng ibong nagliliparan sa mga puno rito. Maaliwalas ang buong paligid. Sakto ay hindi masyadong mainit dahil makulimlim. Agad ko namang nakita ang kanyang puntod. Lumuhod ako at nagtirik ng dala kong kandila. Nilapag ko ang bulaklak at taimtim na nagdasal para sa kanya.

"Ambilis mo namang nawala sa mapait na mundong ito..." usal ko habang pinupunasan ang kanyang lapida. Bigla naman akong nalungkot sa nangyari sa kanya bago siya lumisan.

In Loving Memories of:
Hezekiah Kyle B. Lopez
January 6, 2000 - November 19, 2018

Malaki ang parte ni Hezekiah sa buhay namin. Hindi niyo man siya kilala pero isa siya sa matalik naming kaibigan ni Eliza. Mabait siyang tao, mapagbigay, matulungin, at siya ang tipo na tao na hindi humihingi nang kapalit sa paggawa ng kagandahang loob.

Namatay siya dahil sa sakit na Dengue. Dahil na rin sa hindi sila ganoon kapalad, nabawian ng buhay si Hezekiah. Sobrang bilis ng pangyayari pati ako ay nagulat sa kanyang pagkawala. 

Nagpaalam ako sa aking kaibigan at nagpasya na umalis. Binasag ng ringtone ko ang katahimikan ng buong paligid. Bakit ba hindi ako nakasilent?! Chineck ko ito at ang number ni Eliza ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan nito ngayon.

Sinagot ko ang tawag, "Anong kailangan mo? 'Di ba sabi ko na nasa sementeryo ako ngayon?" pagtataray ko. Humagikgik naman siya sa kabilang linya. 

"Sorry sa istorbo pero kailangan nating magkita. miss na kita eh," aniya. Nakikita ko ang mukha niya habang sinasabi ang mga linyang 'yan. Para siyang nagmamakaawang bata na humihingi ng kendi. 

"Hindi ba't nagkita na tayo nung isang araw?!" sigaw ko. Muntik ko nang makalimutan na nasa sementeryo ako. Agad naman ako humingi ng tawad sa mga taong nakahimlay dito. "Sige na nga, magkita tayo sa usual spot, bye!" 

Tinungo ko ang sakayan at sumakay sa isang pampublikong jeep. Nagtitingin ako sa facebook at nakakita ako ng balita kung saan may salpukan ng van at jeep malapit sa school. Ang dahilan daw ay nawala ng preno ang jeep kaya sumalpok sa van. Taimtim akong nagdasal para sa mga kaluluwa ng mga pumanaw sa aksidenteng iyon.

Binilisan ko ang pagpunta sa spot namin. Dahil hindi matraffic, inabot lamang ako ng bente minutos sa pagbyahe. Malayo-layo rin kasi ang sementeryo sa amin. Mabuti nalang at hindi si Eliza at Nicolai ang binibisita ko rito.

Malapit na ako sa spot namin. Natatanaw ko si Eliza sa malayuan. Hindi naman masyadong magarbo ang suot niya. The usual pants and shirt at naka-ponytail ang kanyang buhok. Tumakbo naman siya papunta sa direksyon ko. Napangiti nalang ako.

Desolation // Nile [One-shot]Where stories live. Discover now