Alaala
Buwan at bituin
nakakaakit sa paningin
rosas na puno ng patalim
Hindi alam kung pipitasinParang buwan sa langit
Na kay hirap abutin
Mga kumikinang na bituin
Na mahirap sungkitinMga kamay na napupuno ng dugo
Puso na unti unting sumusuko
Mga paa na hindi alam kung saan patungo
At isipin na gulong guloRosas na kaakit akit sa paningin
Mga salita na nakakasakit ng damdamin
Daan na puno ng patalim
Hindi na alam kung patuloy itong gagapanginKatawan na unti unting sumusko
Puso na unti unting gumuguho
Kasabay ng panahon na unti unting nagbabago
Mga masasayang alaala na unti unting lumalaho.-Millie Agatha