Chapter 4:Our Principal's Secret

16 4 0
                                    

Ammy's POV

Nang makita ko ang asong lobo ay kumaripas na ako ng takbo.At ng makita ko ang tent ng isa sa mga kaklase ko ay napaluhod ako sa saya.Akala ko talaga mamamatay na ako.

"Hayss...Besh muntik na tayo dun ha." Sabi ko sabay lingon sa likuran ko.Pero nang makita kong wala si Inna sa likuran ko sa bigla nanaman akong nataranta.

"Besh?!!Asan ka na? Kanina lang kasunod kita.BESH!!!"sabi ko habang hinahanap siya ngunit di ko na talaga sya makita.Dito na ako kinabahan na baka nahabol siya ng lobo at nakain na nito.

"Huwag naman sana beshy ko...Asan ka na ba kasi?Kailangang malaman toh ng Principal namin."Bahala na kung maparusahan ako basta ang mahalaga makita na si Inna.

Tumakbo ako papunta sa tent ng pricipal namin.Ayaw ko sana siyang istorbohin sa pagtulog niya kaya lang emergency itong nangyayari.

"Mr.Principal?!!!"tawag ko sa principal namin.

"Oh sino yan?Teka lang at lalabas ako." Sabi nito at mukhang naalipungatan pa ata sa lakas ng boses ko.

Nang makalabas na si sir ay sinabi ko lahat ng nangyari.

"Bakit kayo umalis ng walang paalam?!Hindi nyo ba alam na delikado na tuwing gabi dito sa kagubatan!"sermon ni sir sa akin.

"Patawarin nyo po sana kami pero Mr.Principal kailangan na po nating mahanap si beshy i mean Si Inna...Baka po napaano na po siya." halos mapaiyak na ako.

"O sige,dito ka na lang ako na ang maghahanap sa kanya."Sabi nito at mabilis tumakbo.

Nang marinig ko ang mga sinabi ng principal namin ay nahimasmasan na ako.Pero may napansin ako bakit parang amputla palagi ni Mr. Principal? Siguro may sakit siya pero mukha naman siyang masigla.

Hinayaan ko na lang yun at naupo sa isang tabi at nagdasal na sana ay ligtas na si Inna.
-----------------------------

Mr. Jack's POV

Ako ang Principal ng Hilltown High School.Isa akong bampira.Nagtataka ba kayo kung bakit ako nakakalabas tuwing may araw?.

Dalawa kasi ang klase n bampira at ay ang Good & Bad vampires.Isa ako sa mga Good Vampires Na kung saan kami ay nakakalabas tuwing araw,Hindi kami pwedeng pumatay ng mga tao dahil labag ito sa aming batas.Ang mga Bad Vampires naman ay kabaligtaran namin kaya sila ay aming mga kaaway.

Kasalukuyan akong naghahanap sa isa sa estudyante ko na si Inna.Matapos kong marinig ang balita mula kay Ammy ay hinanap ko na sya kaagad.Ayaw ko syang mapahamak lalo pa at gabi na dito sa ganitong oras lumalabas ang mga Bad Vimpires.

"Kaasar nasaan na ba yung batang yun?!!!" sahi ko.

Ginamit ko na ang kapangyarihan ko para mas madali ko syang mahanap.

DEMONIC LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon