Habang abala sa paghanda ng mga milk tea para sa aming mga customer biglang lumapit sa akin si Tin. May dala itong isang piraso ng rosas at may maliit na card.
"Sino nagbigay sa 'yo Tin? Ang sweet naman," saad ko sa kan'ya habang inaayos ang mga order.
"Baliw, hindi naman ito sa akin e. Para sa 'yo kaya ito," natatawang saad nito.
Napatingin naman ako sa kan'ya at nilapitan ito.
"Kanino raw galing?" takang tanong ko rito.
"Hindi sinabi e, ito oh may card basahin mo." sagot nito at inabot sa akin.
Inamoy ko ang pulang rosas na 'yon, napakabango at lalong-lalo na ang card. Binuksan ko ito, hindi ko makilala ang sulat kamay nito dahil sa printed ito.
Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?" -SevenSeven? Hindi ko naman siya makikilala kung ganoon lang ang nakalagay e. Sino kaya ito?
"Ikaw ha may stalker ka na pala," biro pa sa akin ni Tin.
"Stalker? Hindi kaya, baka mali lang siya ng nabigyan nito." tanggi ko pa sa kan'ya.
"Hindi e, hindi ko rin naman tatanggapin 'yan kung hindi niya sinabing ibigay ko raw kay Serene.
Napatango na lang ako sa sinabi nito, wala naman akong inaasahang magbibigay nito sa akin e. Nakakaloka lang kasi bakit may paganito pa?
Natapos ang araw ko na hindi pa rin maalis sa isipan ko kung kanino iyon galing, nasabi ko na rin kay Jhe at wala rin siyang ideya.
"Paano kung galing ito kay Sir Dwight?" biglang tanong nito sa akin habang papasok kami sa Bar.
"Hindi naman siguro, pakiramdam ko hindi naman ganoon si Sir e." naguguluhang sagot ko.
Maya maya pa may isang babaeng lumapit sa akin...
"May nagpapabigay daw sa 'yo," saad nito at inabot na naman sa akin ang isang piraso ng rosas at card na may lyrics.
Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke - I'm just a broken-hearted man
I know it makes no sense but what else can I do?
How can I move on when I'm still in love with youI'm still in love with you... -Seven
Napatingin na lang ako kay Jhe nang matapos ko itong basahin...
"The man who can't be moved ang kantang 'to," saad ni Jhe nang mabasa niya rin ito.
Pero sa palagay ko hindi naman ito galing kay Lhonard e, may kasintahan na siya at alam kong hindi niya iyon magagawa kay Nicole.
Natapos ang gani ko na hindi pa rin nasasagot ang mga katanungang nasa isip ko.
Sino kaya ang nasa likod ng mga rosas na 'to?
Kinabukasan ganoon na naman, may isang pirasong rosas akong natanggap nang nasa trabaho ako at ang kasama nitong card.
'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street
BINABASA MO ANG
Melancholic love of Serene (COMPLETED)
Teen FictionMusika ang naging daan kaya nagkakilala ang ikaw at ako. Sa musika rin ba magtatapos ito?