Sinabi sa akin ni Nicole na pinagbawalan na raw si Lhonard na pumunta rito, pero dahil hindi ako naniniwala doon pumunta muna ako sa aking boarding house at kumuha ng ilang mga gamit at pera. Dumiretso naman ako sa pinuntahan namin ni Lhonard kagabi, kahit hindi ko gaano kakabisado ang lugar pinuntahan ko pa rin 'yon. Naniniwala ako sa kan'ya at sa pangako niyang ipaglalaban niya ako.
Agad naman akong bumaba nang makarating na ako doon, bigla akong nanlumo nang wala akong makita na bakas ni Lhonard.
"Lhonard," mahinang saad ko habang binabagtas ang daan papunta sa ilalim ng puno na nanoon.
Pinatong ko ang aking mukha sa aking tuhod...
Umaasa na sana pumunta si Lhonard dito at sabihin sa akin kung ano nga ba talaga ang nangyari.
Nagulat na lang ako nang biglang kumulog, dahan-dahang nawawala ang mga bituing nagkikislapan sa langit.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakikita si Lhonard," matigas na saad ko.
Napapikit ako nang biglang natamaan nang ambon ang aking mata, ambon na nagiging ulan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pagiyak nang maalala ang nangyari kagabi, ang bilis naman yata nangyari parang kagabi lang ang saya-saya pa namin tapos ngayon hindi na siya puwede magpakita sa amin?
Wala na akong pake kung nababasa na ako ng ulan, hinayaan ko na lang din ang aking luha na dalhin ng bawat butil ng ulan sa tuwing dumadampi ito sa aking pisngi.
Maya-maya pa bigla akong nakaramdam ng isang napakainit na yakap,habol-habol ko ang aking hininga nang i-angat ang aking ulo. Hindi ko agad ito naaninag dahil puno ng luha ang aking mata at natatabunan din ng buhok ko ang aking mukha. Inayos nito ang aking buhok at nilagay sa gilid ng aking tenga.
"Serene bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong nito.
Nang makilala ko ang boses nito agad ko itong niyakap ng mahigpit at umiyak ng napakalakas, tama nga ako dadating siya...
"Lhonard akala ko hindi na tayo magkikita ulit, totoo bang pinagbawalan ka na ng Mommy mo na mag-gig sa bar ni Coleen?" umiiyak na saad ko rito.
Niyakap din ako nito at hinahagod ang aking likuran.
"Oo Serene pero dahil ayaw ko sumunod sa kanila kaya nandito ako ngayon," sagot naman nito.
"Lhonard lumayo tayo, umalis tayo dito." desperadang alok ko rito.
Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako, "Oo Serene at pupunta tayo sa malayong lugar." saad nito at hinalikan ang aking noo.
Hindi ko an mapigilan ang aking sariling mapangiti nang pinunasan nito ang aking luha. Hindi nito dinala ang sasakyan niya kaya naisipan na lang namin na mag-commute. Dumiretso na kami ni Lhonard sa isang laundry house para patuyuin ang aming mga damit. Kailangan na muna namin matuyo bago tuluyang bumiyahe.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may nadadaanan kami e napapatingin sa akin, sabi anamn ni Lhonard huwag ko na lang daw pansinin baka naninibago lang sa mukha ko at hindi kami pamilyar dito. Matapos magpatuyo ng mga gamit dumiretso na muna kami sa isang coffee shop para magpainit ng aming sikmura.
Sobrang saya ko na kasama ko si Lhonard ngayon, akala ko kasi tuluyan niya na akong iniwan.
"Anong gusto mong inumin?" tanong ko sa kan'ya habang abala pa ang cashier kaya pumili na muna kami ng order.
"Ano bang gusto mo?" tanong nito sa akin.
"Matcha," sagot ko naman.
"Sige ganoon na lang din akin," sagot nito kaya kinuha ko na ang atensyon ng cashier para mag-order.
"2 order of Matcha, large size." saad ko rito, mura lang kasi ang matcha nila dito kesa sa SB.
"2 orders Maam?" ulit nito sa order ko na para bang nagtataka.
"Yes, may problema ba sa order ko?" tanong ko rito, akala niya yata hindi ko kaya bayaran ang kape nila rito.
"Wala po Maam, dine in po ba o take out?" saad nito.
"Dine in," maikling sagot ko at kumuha na ng pangbayad.
Maya-maya pa binigay niya na sa akin ang order ko, ako na ang nagdala sa mesa dahil pinauna ko na si Lhonard sa mesa para 'di kami maubusan ng puwesto.
"Take care Maam," bilin nito sa akin na ikinakunot ng noo ko. Pero imbis na isipin 'yon, binalewala ko na lang.
"Here's our order," masayang saad ko at nilapag na mesa ang kay Lhonard at ang para sa akin.
"Tikman mo masarap 'yan," saad ko rito at ininom na ang kape ko.
Tumango lang ito at nakatitig lang sa akin.
"Why?" takang tanong ko rito.
"Wala naman, masaya lang ako kasi nakita na ulit kitang ngumiti. Parang kanina lang kasi ang lungkot mo eh tapos umiiyak ka pa." saad nito habang nakatingin sa akin ng diretso.
"Naman, nasa harap ko na ang dahilan kaya masaya ako eh. Lhonard kung handa kang ipaglaban ako, handa rin akong maging kasama mo habang lumalaban." saad ko rito sabay hinawakan ang kamay niya.
"Salamat Serene, sabi ko naman sa 'yo hindi ba? Wala akong sasayangin na oras habang kapiling kita." sagot nito at hinalikan ang aking kamay.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng coffee shop. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko talaga ang city light tuwing gabi. Hindi na umuulan kaya naisipan naming maglakad sa ilalim ng mga bituin, inakbayan ako ni Lhonard nang mapansin na nilalamig ako. Ang lamig kasi talaga ng hangin lalong-lalo na kapag dumadampi ito sa aking balat.
"Serene may alam akong lugar sa Cavite, puwede tayong doon muna mamalagi." saad nito habang nagalakad kami.
"Cavite? Nandoon sila Mama! Gusto mo sa bahay na lang tayo?" alok ko rito.
"Gusto ko sana pero mas madali akong mahanap nila Mommy kapag doon tayo pumunta, sa lugar na alam ko safe doon." pagpapaintindi nito sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot at hinawakan ang kamay nito, alam ko na maiintindihan din ako ni Mama at Papa kapag nalaman nila ito.
Sumakay na kami ng van patungo doon, ilang oras din ang biyahe kaya hindi ko mapigilang dalawin ng antok. Si Lhonard naman nasa tabi ko at nakasandal sa balikat ko habang nakapikit ang mata, pati rin yata ang lalaking 'to e napagod.
Nakatitig lang ako sa maamong mukha nito, ang suwerte ko at nagkaroon ako ng Lhonard sa buhay ko. Na iyong mga pinangarap ko na makasama siya noon ay nagkatotoo na ngayon.
"Ilang taon man ang lumipas, ilang tao man ang makasalamuha kung ikaw talaga ang sigaw ng puso ikaw at ikaw lang at wala ng iba."
May ngiti sa mga labi akong natulog at hayaang dalhin kami ng sasakyang 'to sa aming patutunguhan.
---
A/N: CHAPTERS 20-29 WILL BE POSTED TONIGHT. ^^
BINABASA MO ANG
Melancholic love of Serene (COMPLETED)
Teen FictionMusika ang naging daan kaya nagkakilala ang ikaw at ako. Sa musika rin ba magtatapos ito?