Kabanata 26

235 4 0
                                    


Dwight's POV

Halos isang linggo na simula nang magwala si Serene sa loob ng bar ni Coleen, simula rin noon hindi na nagpakita pa si Serene. Ilang beses na namin siya tinatawagan pero hindi niya kami sinasagot hanggat hindi na talaga namin siya ma-contact. Kahit saan na kami napadpad kakahanap sa kan'ya pero ni isa walang bakas ni Serene.

Binagsak ko na lang ang aking katawan sa kama at tinitigan ang aking cellphone...

"Serene nasan ka na ba..." mahinang saad ko habang titig na titig sa litrato ni Serene na nakalagay sa screen ng aking cellphone.

Kung kailan gagawa na sana ako ng hakbang, tsaka naman naging ganito ang sitwasyon. Naalala ko pa noong ako pa ang mentor nila, ilang beses ko talaga pinigilan ang aking sarili dahil alam kong mali at hindi puwede. Masyadong malaki ang agwat ng aming edad at parang hindi ganoon kaganda tignan at pakinggan na pumatol ako sa sarili kong estudyante.

Pero noong minsan nagkasabay kami sa bus, laking tuwa ko nang makita ko siya ulit. Hindi ko talaga akalain na doon talaga kami pinagtagpo, mabuti na lang at ang daldal ko noon kung hindi baka hindi ko talaga siya tuluyang nakausap. Kung wala lang sanang Lhonard sa buhay ni Serene, msbilis na lang sana pero ramdam ko at kita ko kung gaano nila kagusto ang isa't isa simula pa lang noon.

Nakakatuwa nga noong mga panahong sumisingit sa amin si Lhonard, alam ko na nagseselos siya sa mga panahon na 'yon. Minsan nagseselos din ako dahil sobra silang malapit sa isa't isa kaya hindi ko talaga pinahalata sa kan'ya na simula pa lang noon gustong-gusto ko na siya. Alam ko rin na may gusto siya sa akin noon pero hindi ko 'yon sinunggaban, malaki ang respeto ko sa kan'ya dahil ang bata niya rin sa panahon na 'yon.

Sobrang saya ko nang nabigyan kami ng pagkakataon na mag-duet, lalong-lalo na noong narinig ko ulit ang boses niya. Ilang taon din akong nangulila sa boses na 'yon at sa huli nakita at nakasama ko na rin siya. Pero heto kao ngayon, walang magawa at hindi alam kung saan ko siya hahanapin.

Pinili ko na lang pumunta sa bar ni Coleen at makikibalita baka nahanap na nila si Serene...

Nakita ko si Nicole sa labas ng bar, namamaga ang mata nito at sobrang lungkot.

"Nicole," tawag ko sa kan'ya.

Tumingin ito sa akin at biglang nangilid ang luha, "Dwight hindi ko na alam kung anong gagawin." umiiyak na saad nito.

"Magpakatatag ka lang Nicole, malalampasam mo rin 'yan." pagpapalakas ko sa loob niya.

"Dwight, can I hug you? Pakiramdam ko kasi by any moment mag-co-collapse na ako, hindi ko na alam kung sino pa ang puwede ko lapitan." saad nito sabay napayuko.

Humakbang ako palapit sa kan'ya at niyakap ito ng napakahigpit, naramdaman ko na lang ang paagtugon nito at ramdam na ramdam ko ang bawat hikbi nito habang nakayakap sa akin.

"Iiyak mo lang 'yan Nicole, pasasaan ba't dadating din 'yong araw na maghihilom ang sugat na 'yan." pagpapatahan ko rito.

"Dwight!"

Napatingin ako sa likuran ko nang makita si Coleen na papalapit sa amin. Kumawala si Nicole sapagkakayakap sa akin at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Coleen bakit?" tanong ko nang makalapit ito sa akin.

"Si Jhe namomroblema, tumawag daw ang Mama ni Serene sa kan'ya nagtatanong kung okay lang ba si Serene kasi hindi na raw ito tumatawag sa kanila." nagaalalang saad nito.

Hindi ko rin alam ang gagawin kaya bigla akong natahimik.

"Paano na 'to ngayon? Nasan ba si Jhe?" tanong ko rito.

"Papunta pa lang dito, sana naman nasa mabuting kalagayan si Serene ngayon." sagot naman nito.

"Nicole, pumasok ka muna doon. Nandoon sila Lau, tama na kakaiyak, okay?" saad nito kay Nicole.

Isang pilit na ngiti at tango na lang ang tinugon nito sabay pumasok na ng tuluyan sa loob.

"Paano natin 'to ipapaliwanag kay Serene?" malungkot na saad ni Coleen.

"Ang bilis ng mga pangyayari 'no? Alam kong hindi niya 'to matatanggap agad, alam kong sobrang sakit nito para sa kan'ya." saad ko na lang dito.

Bigla akong napaatras nang makita ang pamilyar na mga mukha na papalapit sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mukha na 'yon, minsan ko an silang nakaharap noong walong taon na ang nakalipas.

"Sir Dwight," malungkot na saad ni Jhechiel.

"Jhe, bakit mo kasama ang mga magulang ni Serene?" nagtatakang tanong ko rito.

"Sir Dwight, magandang gabi po. Pasensya na po at walang pasabi ang aming pagpunta ha? Nagaalala lang talaga kami kay Serene eh." paghingi nito ng despensa sa akin.

"Magandang gabi rin po Ma'am Selene, naipaliwanag na po ba ni Jhe sa inyo kung bakit wala si Serene?" tanong ko rito.

Biglang nangilid ang luha nito kaya kinuha nito ang panyo niya at pinunasan ang gilid ng mata niya.

"Oo, nagaalala nga ako kung kamusta na siya ngayon e. Simula noong hindi niya na kami tawagan halos hindi na ako makatulog ng maayos lalong-lalo na ang Papa niya." paliwanag nito sa amin at pinipilit na palakasin ang loob niya.

"Huwag po kayo magalala Maam, gagawin namin ang lahat makita lang namin si Serene." pagpapalakas ko sa loob niya.

"Pero nalulungkot ako sa aking nalaman, ano ba kasi talaga ang nangyari?" tanong nito sabay palipat-lipat na tinignan kami ni Jhe.

Pareho kaming napayuko, hindi rin namin alam kung saan kami magsisimula sa pagpapaliwanag.

"Kung hindi niyo pa kayang sagutin, maiintindihan namin." saad ng Papa ni Serene kaya nginitian ko na lang ito ng bahagya.

Pinapasok na muna namin sila sa loob at nagplano kung saan sila patutulugin, nagpresenta na lang ako na sa condo ko dahil malaki ang espasyo at makakapagpahinga talaga sila. Nasa isang mesa lang kami habang naguusap, pinakilala na rin namin sila Coleen at ang iba sa mga magulang ni Serene. Halos hindi na ito mapigilan sa pagpapasalamat kay Coleen dahil sa pinayan niya raw na mag-part time si Serene dito sa bar niya.

Pareho kaming natigilan sa pagkukuwentuhan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Jhe at rumehistro ang pangalan ni Serene. Halos kaming lahat ay nakatitig lang dito, tumikhim muna si Jhe at nilakasan ang speaker para marinig ng lahat ang sasabihin ni Serene. Finally, nagparamdam na rin siya.

"Hello Serene," saad ni Jhe nang sagutin ang tawag nito.

"Jhe," mahiang saad nito.

"Nasan ka ba? Nagaalala na kaming lahat sa 'yo, kamusta ka na riyan? Sana okay ka lang." naiiyak na saad ni Jhe rito.

"Okay lang ako Jhe, tumawag lang talaga ako para magtanong." saad nito at halata sa boses nito ang kalungkutan.

"Ano 'yon?" kinakabahang tanong ni Jhe.

"Kanina kasi magkasama lang kami ni Lhonard, nakatulog lang ako tapos paggising ko wala na siya. Tatanungin ko lang sana kung kinuha na naman ba siya ng mga magulang niya?" diretsong tanong nito.

Dahilan para matahimik kaming lahat at magkatinginan, bigla akong kinilabutan sa sinabi nito.

"Jhe, nandiyan ba si Nicole? Pakitanong naman oh," pilit nito.

Hindi na napigilan ni Jhechiel, Nicole at Coleen ang maiyak.

"Serene," mahinang saad ko at napapikit ng marin sabay ikinuyom ang aking kamao.

Anong ibig niyang sabihin?

Melancholic love of Serene (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon