Prologue

9 2 1
                                    

Tumingin si Jamaica sa langit at pinagmamasdan ang bawat bituin ngayong gabi. Ang pagkikislap ng mga ito na tila ba ay sumasayaw sa mga mata niya. Walang pakundangang tumulo ang isang butil ng kaniyang luha sa kaliwang mata.

"Habang-buhay na ba akong ganito. Naghihintay na sana ay mahalin niya naman ako kahit katiting lang," pinunasan ni Jamaica ang luhang tumulo. She want Paul to stay by her side always. Kung kaya niya ngang pasunurin siya ay ginawa niya na para lamang hindi siya masaktan katulad ng nararanasan niya ngayon.

"Sadyang mapaglaro ang tadhana, kung kailan akin na siya ay tyaka naman siya ganito sa akin. Napakalupit!" Inaalala niya lahat ng mga pananakit sa kaniya ni Paul. Not phisycally pero mas malala pa doon.

'Yong mga pambabae niya na tingin ni Jamaica ay ganti niya sa lahat ng ginawa niya sa kaniya. Kahit wala naman siyang ginagawa.

Pero alam ni Jamaica 'yong mga dahilan ni Paul. Sinisisi siya nito kung bakit sila naghiwalay ng dating kasintahan bago matali sila sa isa't isa. Kung bakit ba naman kasi nagmahal pa siya ng katulad ni Paul. Katulad niya na hindi kayang ibalik ang pagmamahal ni Jamaica.

Tumayo si Jamaica galing sa pagkakahiga. May mga damo pa ngang dumidikit sa kaniyang damit kaya pinagpagan niya ito. Kanina pa siya nakahiga at nagmumuni-muni. She can't help herself but ended in crying alone. Lahat ba naman ng pagsusumikap niya ay nakatuon na ibalik din ni Paul ang pagmamahal nito sa kaniya.

Tumalikod na si Jamaica para bumalik na sa kanilang bahay ng asawa niya. Pero saktong-sakto dahil lumandas ang kaniyang tingin sa taong nakatayo at ang mga kamay ay nakatago sa bulsa ng kaniyang itim na pantalon. Nakablack-leather jacket ito at ang panloob ay plain na puti.

Natulala si Jamaica sa hatid na presensyang dala ng nakatayong lalaki. Isa lang ang masasabi ni Jamaica sa kaniya...

Gwapo.

"P-paul!" Hindi niya mapigilang mautal. Ang daming umikot na palaisipan sa isip ni Jamaica.

Bakit siya narito at nakatingin sa kaniya? Pinagmamasdan ba siya nito? Kung oo, bakit? Narinig niya kaya lahat?

"Lupa kainin mo na ako madali!" bulong ni Jamaica. Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang emosyong handa ng kumawala.

Blangkong tingin ang ipinukol ni Paul sa kaniya. "K-kanina k-ka p-pa b-ba d-diyan?" Nagkanda-utal utal na siya. Sino ba naman kasi ang hindi mauutal kung wala kang alam sa nararamdaman ng taong kaharap mo. At ganoon ang nararamdaman ni Jamaica ngayon.

Galit ba si Paul? Naiinis ba siya sa akin dahil wala ako sa bahay? Masaya ba siyang wala ako sa bahay at dapat 'di na ako bumalik pa roon dahil panira lang ako sa buhay niya? Ano ba talaga?

Lahat ng 'yan ay nagpapagulo ngayon sa isipan ni Jamaica. Masakit lahat isipin iyon para sa kaniya ngayong alam niyang ganoon talaga ang posibleng maramdaman ni Paul.

"Umuwi ka na at magluto. Paggala-gala ka, gabi na," tinalikuran na siya nito pagkatapos sabihin ang mga salitang binitawan niya.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Jamaica. Hindi na 'ata nagpa-function ng matino ang puso niya. Masyado siyang nakapokus sa mga sinabi ni Paul.

'Bakit ang cold nya pagdating sa akin?' malungkot na bulong ni Jamaica sa sarili.

'Nako! Kung alam ko lang na ganito hindi na sana ako pumayag sa gusto ni mama at papa' malungkot na turan nito habang naglalakad pauwi.

'Kailan mo ba ako matututunang mahalin pabalik, Paul?'

End of Prologue

Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon