Abandonadong bahay

11 1 1
                                    

Magga-gabi na at kitang kita na ang ganda ng kulay ng apoy sa langit dahil sa pinaghalong asul, pula, dilaw at kahel. Naglalakad ako pauwi habang pinagmamasdan ang paligid. Mga tawanan ng mga batang naglalaro, mga tambay na nagkakantahan habang nag-iinuman, at mga tindahang bukas at nag-aalok ng mga pagkain, damit, at iba pa. Kung pagmamasdan sila'y aakalain mong wala silang problema dahil sa mga ngiting napakalaki at saya sa kanilang mga mata. Katulad ko na nakangiti silang pinagmamasdan habang sinasabayan sa pagkanta ang mga tambay. Dahil sa aking nakita ay mas lalo akong nasabik na makita ang aking pamilya kaya mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad . Ang kaninang maingay at masayang tawanan ay unti-unting humina habang dumidilim ang paligid dahil sa papalayo ako sa kanila at papalapit sa nais na puntahan. Mula sa aking kinakatayuan ay matatanaw na ang palatandaan na malapit na akong makauwi. Ang puno ng mangga na walang bunga. Kung pagmamasdan ang punong ito ngayong gabi ay nakakatakot dahil nakatabi ito sa isang abandonadong bahay. Mayroon itong dalawang palapag na sa tingin ko'y matagal ng naitayo dahil sa estruktura nito na maihahalintulad sa mga bahay noong panahon ng espanyol. Binuksan ko ang pinto ng bahay na naglikha ng isang nakakakilabot na tunog. Pagpasok ko ay nakita ko ang mga gamit na nakataklob sa puting tela. Mga gamit na katulad din ng bahay na luma na. Napatingin ako sa kusina dahil sa nakarinig ako ng kaluskos mula doon kasabay ng paghampas ng malakas hangin sa aking balat. Pinuntahan ko kung saan ko narinig ang tunog at nakakita ako ng anino na papunta sa bakuran. Sinundan ko ito at nakakita ako ng babaeng nakabestidang puti na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Ngunit bigla itong ngumiti at kumaway sakin sabay takbo palabas ng bahay.

Napasigaw ako" Magnanakaw!" Bwisit na babae yun suot pa yung paborito kong damit.

Matawagan na nga lang sila mama. Binilisan ko pa naman yung paglalakad ko tapos wala pa pala sila.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon