Who is My True Love? (oneshot)

97 7 4
                                    

Who is My True Love?

Ang aga kong pumasok dito sa school para lang samahan itong si Jen na manuod ng basketball game.

“Hoy Cassidy! Tutunganga ka na lang ba diyan? Halika na!” Sabay hila sa akin ni Jen.

Ang dami na kasing tao sa gymnasium. Excited siguro. Kung sabagay, championship na kasi eh. Pero salamat talaga sa kagandahan KO kaya kami nakaupo. O baka salamat sa pagiging gentleman nung dalawang lalaking nagpaupo sa amin. Hahaha.

Habang naghihintay kami sa pag dating ng mga players ay may nakita ako sa bench na busy sa ginagawa niyang paghahanda ng tubig na ibibigay niya mamaya.

He’s cute. Actually puppy love ko ‘yang si manong water boy. Nakasalubong ko kasi siya dati. Unfortunately, hindi magandang pagsasalubong ‘yun dahil natapunan niya ako ng dala niyang tubig. Yeah. Basang basa ako nung mga time na ‘yun.

Hindi na ako nagalit sa kanya dahil nga gwapo siya. Hahaha. Tsaka ako rin naman kasi ang may kasalanan. Buti nga hindi niya ako pinagbayad dahil bumili ulit siya ng tubig para mapalitan lang yung tubig na naging panligo ko. He’s nice. Kaya nga siya ang puppy love ko...

“Hi kuya! Umm... Alam niyo po... Puppy love po kasi kita eh. Hihi.” Yan ang eksaktong linya na sinabi ko sa kanya nung nag confess ako.

But I got rejected. Bakit? Because of our age. He’s 21 while I am 17. Wala eh, masaklap ang buhay. Well, masaya naman ako at ni-reject niya ako. Kasi kung magiging kami, baka lagi akong busog sa tubig.

“Hoy Cassidy! Huwag mong sabihing hindi ka pa over dun kay Kuya water boy. Kung makatingin naman kasi eh!” Nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang sigaw ni Jen. Ang ingay talaga kahit kailan nitong babaeng ‘to.

“Ang ingay mo naman Jen eh! Hays.” Pagrereklamo ko sa kanya. Napalingon ako sa right side ko.

Nakita ko dun si Ace na may kasamang girl. Napangiti na lang ako habang tinatanaw sila.

Ace is my very first boyfriend. He’s my first love. Niligawan niya ako for one year. Sobrang saya ko noong naging kami. Ang tawagan pa nga namin noon ay “BEBE KO”... Napakacorny namin noon pero mas nangingibabaw pa rin ang sweetness.

But then we broke up. Bakit? Because we’re still young and immature. Wala eh, masaklap talaga ang buhay. First love never dies.. ‘Yan ang sabi nila... Pero hindi na ako naniniwala diyan. Masaya naman na si Ace ngayon eh. And I’m also happy for him. He found his mature relationship.

“Kyaaahhh!!! Cassidy si Russel ‘yun diba? Ang hot niya talaga. Kaya mahal na mahal ko siya eh.” Ayan nanaman si Jen. Aish! Ano ba ang pwedeng pantapal sa bunganga nito nang matahimik naman kahit saglit lang.

Inalog-alog ako ni Jen. Pinalo palo. Sinuntok suntok. Sinampal sampal. Pakiramdam ko ay nilalapastangan niya na ang pagkababae ko dahil sa mga pinaggagagawa niya. Okay joke lang. OA lang kasi talaga ako.

Who is My True Love? (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon