Tapos ko ng balutan tong si Kuys Rem
Napatingin ako sakanya. May malalim na iniisip
Ano kaya iniisip niya?
Hay nako
Ang dami talagang kailangan isipin
" Ricky bumalik ka nalang sa pag-aaral."
Anong?
"Anong pag-aaral? Nagaaral naman ako ah."
Anong pinagsasabi nito ni kuys
Nagaantay ako ng pick up line pero ang tagal na kaya dahan-dahan akong napatingin sakanya.
Seryoso talaga siya
"Bata ka pa. Dapat di ka namin pinagtratrabaho. Dapat nag-aaral ka palang ngayon. Sundin mo ko kuys mo ko may mas alam ako."
"Panong pag-aaral? Babalik ako sa school?"
Di naman pwede yun
Kumportable na ako ng nagaaral kung kelan ko gusto
Ayoko ng araw-araw.
Ayoko yung tipong
"Kuys"
"Ricky,ito yung mas makakabuti sayo."
Di ko mabasa reaksyon niya basta seryoso talaga siya
Di ko maalis tingin ko sakanya baka kasi magbago eh
"Kuys ayoko yung puro aral lang ayoko yung palaga nalang ako sa iisang lugar nagaaral. Gusto ko paiba-iba. Gusto ko nageexplore para talaga may matutununan ako. Alam mo naman yun diba."
Geh Ricky kaya mo pa
Pigilan mo yung boses mo na wag mapaos o maputol-putol
Kasi kapag nagpaos yan hay nako
Mahahalata na parang naiiyak ako.
Be calm ricky!
Be calm Ricky!
Be calm Ricky!
Be calm!!!
Rickyyyy!!!!
"Naiintindihan kita. Pero..."
Yan sa pero eh
"Kuys uunahan na kita sa school kasi masaya dun. Gusto ko nga laging pumapasok sa school eh kasi marami akong natutunan. Pero ayoko naman yung araw-a-araw n-a pu-ro sa-kitt"
Ayan putol-putol na salita.
Kasi eh sa school kasi ang dami kong natutunan lalo na sa sakit
Ayoko kasi ng sakit kasi nadodown ako feeling ko ang dami ng nakapasan sakin
Yinakap ko ng kusa si Kuys Rem
Ayoko na
Ayoko ng ganto eh
Yung maiiyak nalang ako
Ayoko kasi ng puro sakit
Di na kasi ako magiging masaya nun
Gusto ko chill lang