Chapter 1

8 0 0
                                    

"Ikaw na bata ka, napakatigas talaga ng ulo mo!" Boses ni Aling Upeng, ang nanay ni Charito. "Huwag na huwag mo akong susubukan Charito at wala rito ang tatay mo. makakatikim ka talaga sa akin."

"Eh bakit ho ba? Ano na naman ang kasalanan ko sa inyo nay?" Ang sagot ni Charito na halatang naiinis.

"Akala mo ba na hindi nakakarating sa kin na hindi ka pumapasok sa eskwela at lagi kang nakasunod sa mga artista? Aba Chary, katorse anyos ka pa lang, alam mo ba?" Himutok ni aling Upeng. "hirap na hirap kami ng tatay niyo para maigapang lang ang pag aaral niyo, tapos ikaw, anong ginagawa mo? Panay ang landi mo!"

"Sobra naman kayong magsalita Nay. naglalandi agad eh nanood lng ng sine at artista." Katuwiran ni Chary. "Ano pong gapang ang sinasabi ninyo eh kadalasan andirito lng kayo sa bahay. Ang tatay lang naman ang naghahanapbuhay ah. At malakas ang negosyo ng tatay sa Cebu."

"Aba't tingnan mo to kung mangatuwiran. Ang hirap ng buhay ngayon Chary. Hindi tayo mayaman kaya umayos ka! " Ang lalong nagagalit na sabat ni aling Upeng. "Tumahimik ka na diyan ha. Kapag ako di nakapagtimpi sa iyo....."

"Eh sa totoo naman pong si Tatay lang ang kumakayod para sa atin ah. Sino bang may sabi sa inyo na mag anak ng pito? Kaya tayo hirap na hirap ay dahil napakarami natin sa bahay na ito! ' Umiiyak na si Charito." Kung gusto niyong makatulong, eh di panindigan niyo yung sinasabi ninyong hirap kayo! Magtrabaho rin kayo't di yung umaasa lang kayo sa iuuwi ng tatay! "

"Aba't wala kang galang na babae ka! " Sinugod ni aling Upeng si Chary at... PAK! PAK! Malulutong na mag asawang sampal ang dumampi sa mga pisngi ni nito." Matuto kng gumalang na lintek ka ha! "

"Ang sama niyo! Ang sama-sama niyo! " sabay talikod ni Chary at tumakbong patungo sa kaniyang kuwarto at doo'y nag-impake ng kaniyang gamit.

Lumipas Na Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon