Chapter 3

7 0 0
                                    

"Magandang araw po, Mrs.. Cruz! Ano po ang kukunin niyo ngayon?" Bati ng salesman na si Teo sa kakapasok pa lang na customer.

"Naku, marami-rami, Teo. Awa ng Diyos at maraming kumontrata sa amin ngayon." Ani Mrs. Cruz. "Heto ang listahan Teo, medyo malaki ang aabutin nito. Magbibigay na lamang muna ako ng kalahati. Ang kalahati naman babayaran ko matapos ang kalahating buwan. Tamang-tama may koleksyon na ako niyan." "Huwag mo kalimutan ang discount Teo ha? Alam mo namang iyan ang ikinawiwili kong balikan dito sa tindahan niyo."

"Areglado po Mrs. Cruz!" "Tamang-tama rin po kadarating lang ni Boss." wika ni Teo na tinutukoy ang may-ari ng tindahan na si Mang Kanor.

Si Teo ay dalawampung taong gulang na salesman ng tindahan nina Mang Kanor sa Cebu. May tatlong taon ng naninilbihan si Teo sa Pamilya De Villa. Mabait at masipag na tao si Teo. Sa katunayan nga, sa kaniya pinagkakatiwala ni Mang Kanor ang tindahan kapag umuuwi ito sa Maynila. Isang self supporting student na nasa ikalawang taon na sa kolehiyo sa kursong Engineering.

Galing sa mahirap na pamilya si Teo na naninirahan lamang sa tabing-dagat. Subalit ng dahil sa pagsisikap nito ay nakapagtapos ito ng high school. At ngayon naman ay nasa kolehiyo na. patigil-tigil sa pag aaral si Teo dahil kailangan niyang tumulong sa mga magulang dahil sa dami ng kaniyang mga kapatid mula sa sinasahod nito sa pagtatrabaho.

"Mang Kanor," si Teo. "Nandidito po si Mrs. Cruz. Nakikiusap po na yung kalahati po ng kukunin niyang mga stocks ngayon ay babayaran niya sa susunod na buwan?" Paghingi nbg permiso ni Teo kay Mang Kanor.. "Umaabot po sa trenta mil ang kinuha niya. May diskwento na po iyon."

"Si Nena ba iyan?" Si Mang Kanor.

"Opo." Ang sagot ni Teo.

"Siya, siya walang problema. Kilala ko naman iyan bilang magaling magbayad at tumutupad sa usapan." Wika ni Mang Kanor. "Siyanga pala Teo. Uuwi ako sa Maynila bukas. Medyo matatagalan ako dahil magbabarko lamang ako."

"Po?"gulat si Teo kasi kadalasan nama'y maagang nag aabiso ang amo sa tuwing ito ay uuwi. "Biglaan po yata?"

"Nagpadala kasi ng telegrama ang misis ko. Pinapauwi ako ng Maynila sa lalong madaling panahon."

"Po?"Kinabahang tugon ni Teo. "Sana po ay maayos ang kalagayan ni Aling Upeng."

"Ok lang si Upeng, kaso nagkasagutan sila ni Chary. Alam mo naman ang anak kong iyon, may pagkasutil talaga. Hindi ko na alam saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa batang iyon." Pagpapaliwanag ni Mang Kanor.

Lumipas Na Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon