Chapter 2

15 0 0
                                    

Ang pamilya De Villa ay maituturing na may kayang pamilya sa kanilang lugar sa Maynila. Naging matagumoay na negosyante ang mag asawa dahil sa kanilang matagal na karanasan sa trabaho.

Si Ofelia Abelardo ay isang masipag na manggagawa sa pabrika ng mga bakal na siya ring pinapasukan ni Nicanor De Villa. Sa pabrikang pinagtatrabahuan unang nagkita at nagkakilala sina Aling Upeng at Mang Kanor.

Unang sulyap pa lamang ni Mang Kanor kay Aling Upeng ay nakadama na ito ng kakaibang atraksyon. Mahaba ang makapal at unat nitong buhok, may kaputian, katamtaman ang katawan at may taas itong 5'7".

"Bakit ganyan ka kung makatingin ha, De Villa? May atraso ba ako sa iyo? " Wika nito kay Mang Kanor. Kanina pa pala napapansin ni Aling Upeng na pinagmamasdan siya ni Mang Kanor.

"Ha? Naku wala... hindi.. . ano kasi..." Nagkautal utal na tuloy si Mang Kanor.Napangiti naman si Aling Upeng." Pasensiya ka na Ofelia. " Sambit ni Mang Kanor habang nagkakamot ng ulo." Ang totoo kasi niya'y gusto sana kitang ayaing mananghalian kasabay ko mamayang lunch break. "

"Sus! Iyan lang ba? Bakit naman hindi eh mukha ka namang mabait di ba? Isa pa,, aayaw pa ba ako eh malilibre na pananghailan ko. " Sagot ni Aling Upeng na bahagyang natatawa at napapaling.

Buhat noo'y naging regular na silang magkasama tuwing bakanteng oras. Nagkaroon ng lakas ng loob si Mang Kanor na ipagtapat kay Aling Upeng ang kaniyang damdamin na hindi naman naglao'y tinanggap ni Aling Upeng.

Makaraan ang tatlong taong pagiging magkasintahan, nagpasiya ang dalawa na lumagay na sa tahimik. Sila'y nagsasama ng masaya at biniyayaan ng pitong anak.

Matapos maipanganak ni Aling Lupe ang panganay nilang anak na si Abner, pinahinto na ito ni Mang Kanor sa pamamasukan at itinuon na lang ang panahon sa pag aalaga ng anak. Makaraan ang dalawang taon, sinundan na ito ni Basil. Mag aanim na buwan pa lang si Basil ay ipinagbubuntis na ni Aling Upeng si Charito.

Dahil sa tatlo na ang kanilang supling, nahihirapan na ang mag asawa na pagkasiyahin ang kita ni Mang Kanor. Dito na naisipan ni Mang Kanor na magbitiw sa trabaho at nag umpisang magnegosyo. Pinalad namang nakapagbukas sila ng malaking hardware sa Cebu. Naging masagana ang pamumuhay ng mag-anak. Ang tatlong supling ay nadagdagan pa ng apat sa paglipas ng panahon. Sina Danilo, Elena, Frida at Grace.

Lumipas Na Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon