Chapter 4

5 0 0
                                    

Si Teo ay pang apat sa walong magkakapatid. Ang kaniyang ama ay isang pangkaraniwang mangingisda lamang habang ang ina nito'y walang hanapbuhay.

Maituturing na sila'y maralita lamang subalit punung-puno ng pagmamahal ang kanilang tahanan. Kung kaya't lumaki si Teo na may mabuting asal.

Mahal na mahal ni Teo ang kaniyang mga magulang at kapatid kaya sa murang edad pa lamang ay nagtatrabaho na ito para sa kanilang pamilya.

Ang tatay ni Teo ang siyang nakiusap kay Mang Kanor na ipasok ito sa kaniyang tindahan. Magkakilala sila sapagkat ang ama ni Teo ay regular na bumibili rin sa tindahan ni mang kanor.

Mabilis na natutunan ni Teo ang mga pasikot sikot sa negosyo ni Mang Kanor. At dahil na rin sa pangaral ng mga magulang, pinakita ni Teo ang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho na siyang ikinatuwa ni Mang Kanor sa binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lumipas Na Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon