Chapter 28 Leave.

134 1 0
                                    

Tumakbo ng mabilis sila Henry, Lloyd at Xander papunta sa kinaroroonan ni Katehrine.

Habang palapit sila ng palapit kung nasaan si Katehrine ay punong-puno na ng galit si Henry, kitang-kita sa mukha niya ang galit, Wala na akong sasantuhin lagot sila sakin kapag napahamak si Stupid dog yan ang iniisip ni Henry.

" Ahhhhh ! "

Boses yun ni Katehrine kaya lalo nilang binilisan ang pag takbo, para na nga silang runner sa isang marathon sa sobrang bilis.

Naririnig na nila ang mga boses ng babae at ang mas pinagtaka nila ay may narinig silang boses ng lalake " Haha ngayon lalayo kana sakanila ! You sl*t ! " sigaw ng isang babae.

" T-tumigil na k-kayo...p-please ! " sabi ni Katehrine at humahagulhol na ng iyak, pag-liko nila Henry ay nanlaki ang mga mata nila sa nakikita si Katehrine sira-sira ang damit at may 5 lalaking nakapaligid dito.

" P*TANG*NA NIYO ! " sigaw ni Lloyd, nagulat silang lahat ng sumigaw si Lloyd kaya napalingon sila sakanila, halatang nagulat silang lahat ng mga kita sila " YOU WILL PAY FOR THIS ! " galit na sigaw naman ng kababata ni Katehrine na si Xander, si Henry naman namumula na sa sobrang galit " H-henry F-falcon !!? " sigaw nung mga lalaki, pero para siyang walang naririnig dahil nakatingin ito kay Katehrine dahil nasa sulok ito at nanginginig at humahagulhol.

Hindi na napigilan ni Henry at sumugod na ito sa mga lalaking naka-palibot kay Katehrine " W-wait ! Hindi namin siya ginala--" hindi na niya pinatapos yung lalaki at sinuntok na ito, sumugod na din sila Lloyd at Xander at pinatumba ang mga ibang lalaki.

Galit na galit si Henry at parang wala nang makakapigil sa ginagawa niya, dalawa na ang napapatumba niyang lalaki at sinugod pa nito ang isang lalaki, sila Lloyd at Xander ay tapos nang patumbahin ang mga binugbog nila.

Si Xander ay tumawag ng mga pulis at habang si Lloyd ay nilapitan si Katehrine at ibinigay nito ang jacket " L-Lloyd... " sabi ni Katehrine habang umiiyak " Shhh wag kanang umiyak " sabi ni Lloyd at binantayan ito.

Napatingin silang lahat sa kinaroroonan ni Henry dahil sumigaw ang lalaking kanina pa nitong pinag susuntok ng walang-awa.

~Henry's Point Of View~

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi suntukin ng suntukin ang mga lalaking---- Arrggghh ! Naiinis ako ! Nabubuwiset ako sa sarili ko dahil hindi ko na protektahan si Katehrine !

" Aarrgghh ! " sigaw ko at sinuntok ko ulit itong lalaking nakahiga na sa lupa " ughhh....p-patawarin mo k-kami...pinag utusan lang kami nila Rossie at ng mga kaibigan niya..." Lalong nag init ang dugo ko kaya hindi ko napigilang sipain itong kulugo na ito " Fvck you ! Hindi ko kayo sasantuhin dahil sa ginawa niyo kay Katehrine ! Tang*na niyo ! " sigaw ko at sinipa ulit siya, narinig kong napa-ungol yung lalaki sa sakit at WALA AKONG PAKE kung nasaktan siya, hinatak ko siya sa kuwelyo niya " Sabihin mo may ginawa ba kayo sakaniya !!? SAGUTIN MO AKO !!! " sabi ko at hinintay siyang sumagot, umiling siya ng ilang beses " W-wala kaming ginawa sakaniya, inutos lang samin na takutin siya...kaya pinunit namin ang damit niya..." Nag intig ang mga panga ko kaya sinuntok ko ulit ang lalaki " I PROMISE THIS YOU WILL PAY THE PRICE !!! " sigaw ko at iniwan ang lalaki doon.

Pinuntahan ko si Katehrine na kasama ni Lloyd, tumingin siya sa akin at mugto ang mga mata niya sa kakaiyak niya " Katehrine... " sabi ko at nagulat ako sa ginawa niya " H-henry...henry...henry... " yinakap niya ako at umiiyak ulit, yinakap ko na lang siya ng mahigpit " Shhhh... Stop crying i'm here, your safe now Katehrine " sabi ko sakaniya at yinaya ko na siyang pumunta muna sa bahay para makapag palit na siya ng damit at para makapag pahinga na siya.

Sumama na rin sila Lloyd at si Xander, bago kami umalis ay may mga pumuntang pulis doon at mga parents ng mga sangkot sa gulong ito, halos lahat babae ang kasali dito. Kahit ang Dad ko tinawagan ko at pinapunta doon para mapatanggal na yung mga hinayupak na mga taong yun.

Basta bahala na sila doon aalagaan ko muna itong si Katehrine.

Ipapa-asikaso ko na lang sa Lawyer ng family ko ang nangyaring ito, ipapatapon ko sila sa malayo para hindi na sila makabalik.

~Lloyd's Point Of View~

Nandito kami sa mansion ni Henry kasi dito na muna namin na isipan na mag pahinga si Kate, grabe talaga yung nangyari sakaniya.

Dahil lang kay Henry may mga babaeng kayang gumawa nito kay Kate, naawa ako sa itsura niya kanina takot na takot siya, sino ba namang hindi ? Weirdo lang ang hindi matatakot dun -_-.

" Lloyd grabe itong nangyari kay Kat kahit na 2 days pa lang ako dito. " sabi ni Xander tumango lang ako sakaniya " I think kailangan nating kausapin si Henry " sabi ko sakaniya, kailangan namin siyang makausap ng masinsinan.

Napalingon kami sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok mula doon si Henry " Ano kamusta na si Kat ? " tanong ni Xander " Ayos na siya ngayon pero sabi ng family doctor namin ay nasa state of schock pa rin daw siya " malumanay na sabi ni Henry, hindi ko na matiis kaya tumayo ako at lumapit sakaniya " Henry puwede ba tayong mag-usap, pero sana intindihin mo ang pag-uusapan natin " sabi ko sakaniya at agad naman siyang tumango, para kay Kate gagawin ko ito dahil ito ang mas nakakabuti na gawin ngayon sa sitwasyong ito.

Sinabi ni Henry na sa library na lang daw kami mag-usap para walang ibang makakarinig.

Pag-pasok na pag-pasok namin ay agad ko siyang kinausap " Henry wag kang magalit sa sasabihin ko " bungad ko sakaniya " Bago yan ano ba muna yung sasabihin mo sa akin ? " sabi niya, huminga muna ako ng malalim bago nag salita.

" Leave Kate alone, wag ka munang lumapit sakaniya " sabi ko sakaniya at expected na ang gulat niyang mukha.

" No ! Hindi puwede ! She needs me right now ! Kailangan ko siyang bantayan at protektahan sa ngayon kailanga--- " hindi ko siya pinatapos.

" Sinabi mong pro-protektahan mo siya pero may nagawa ka ba ? Huli mo na siyang na ipagtangol may nangyari na sakaniya bago mo pa nagawa iyon ! " sabi ko sakaniya at dahil doon ay nanahimik siya " Henry intindihin mo muna ang sinasabi ko sayo " sabi ko sakaniya pero parang mahihirapan akong kumbinsihin siya.

" That's the problem ! I can't understand you Lloyd ! Kung ano ba ang gusto mong gawin ko, na layuan siya !? Fvck ! Alam mong hindi ko iyon magagawa ! " sabi ko na nga ba hindi niya agad na maiintindihan " Henry i'm not saying that you should leave her alone for good, just one week. Pahupain mo muna ang nangyari kanina hayaan mo muna siyang magpahinga. Kita naman nating lahat na takot na takot siya sa nangyari sakaniya kanina " paliwanag ko sakaniya " Just one week and after, puwede mo na ulit siyang kausapin wag ka na munang pumasok at magpakita sakaniya, dahil kapag pumasok ka lalo lang niyang hindi makakalimutan ang nangyari " sabi ko pa sakaniya at lumapit sakaniya " One week, i can't stand to be away from her that long Lloyd ! May iba pa bang paraan ? Ayoko...ayokong mahiwalay sakaniya ng one wee--- " again pinutol ko ang sasabihin niya.

" Kung totoong mahal mo siya gagawin mo ito, isang lingo lang naman at pagkatapos nun ay puwede mo na siyang balikan at kausapin, please Henry do it for Katehrine " pagmamakaawa ko sakaniya.

Napatungo siya " Okay, sige one week lang naman. Basta paki-alagaan siya para sakin, Lloyd. " sabi niya sa akin, ngumiti ako " You can count on it, alam ko namang mahal na mahal ka niya at ganoon ka din " sabi ko sakaniya.

Lumabas na kami sa Library at nag paalam siyang kahit ngayong araw lang gusto niyang maalagaan si Kate, pumayag ako syempre.

Kailangan ni Kate ng mahabang pahinga kaya ako nakiusap kay Henry at buti naintindihan niya.

A/N : Sorry Henry kailangan mo itong gawin #MSMMRLeave.

Ms.Simple Meeting Mr.Rich [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon