SIENNA'S POV
"I'll fetch you tomorrow." He said calmly. Inaamin kong kinilig ako sa sinabi niya. Pero again, may kailangan siya sa'kin at sekretarya niya ako.
"O-okay po." I said.
Nang makarating kami sa kanya sasakyan, dahil hindi naman siya gentleman ay dali-dali kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya at sumakay doon.
Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone kaya hindi pa muna siya pumasok sa loob at iniwan iyong nakabukas.
Ngunit nagulat ako at napaupo ng maayos nang bumalik siya at pinaandar ang makina ng sasakyan para gumana din ang aircon.
"Wait there. I'll be back." He said,tumango lang ako tsaka niya isinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan.
Oh.
Iginala ko ang aking mga mata sa kaniyang sasakyan. Hindi ito yung sasakyang ginamit niya kaninang umaga. Rich! It feels refreshing here. I love the ambiance,the smell suites a guy like him. Strong, pero hindi nakakairita sa ilong.
Pagkatapos kong pagsawain ang mata ko sa kanyang sasakyan, isinandal ko ang sarili ko sa upuan at pumikit sandali.
Maya-maya lang ay nadinig ko ang malakas at padabog na pagbukas at pagsarado ng pinto.
Napatili ako at napaayos ng upo. Kinabahan ako ng sobra dahil sa pagkagulat. Huminga ako ng malalim and I looked at him.
"May problema po ba Sir?" I asked out of curiosity. Halatang-halata naman kasing galit siya dahil nakakunot ang kanyang noo at matalim ang kanyang mga tingin.
"..." I sighed when I didn't get an answer from him. I looked away at hindi nalang umimik.
Pinagmasdan ko ang mga sasakyan at mga nagtataasang gusali na nadadaanan namin. I sighed again.
Spell awkward. Hays.
"Nothing." He said then sighed. Napatingin ako sa kanya at nakita kong sumulyap siya sa'kin at ibinalik din ang paningin sa daan.
Nagkibit-balikat nalang ako habang siya ay seryosong nakatuon ang paningin sa daan.Tagal sumagot!
Hindi ko alam kung ngayon niya lang ba narinig yung tanong ko at ngayon lang din siya sumagot.
I wonder kung anong nangyari o sino ang kausap niya pero wala ako sa pwesto para tanungin kung sino.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa isang---
"Restaurant?" Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkakasabi ko dala na rin ng pagkagulat kaya napatingin sa'kin si Sir Stefano.
"Yes."
Ipinagkibit-balikat ko nalang ang sagot niya at binuksan ko na lang ang pinto ng sasakyan saka lumabas.
Papasok na kami sa loob ng restaurant nang may sumalubong sa amin na waiter.
"Good Morning Ma'am. Good Morning Sir. This way please." Bati ng waiter sa amin at itinuro ang isang table na may apat na upuan.
Napaayos pa ako ng tayo nang pinaghila ako ng upuan ng waiter at saka ngumiti sa akin. Geez.
"Thank you." I smiled back at him at umupo ng maayos.
"You're---"
Hindi na naituloy ng waiter ang sasabihin niya nang siya pinutol ni Sir Stefano.
"Is that part of your job?" He asked. I don't know if it's just me or he's really being sarcastic. Anong problema nito?
Napatingala naman ako sa waiter nang magsalita siya.
"Sir?" sabi ng waiter. Nakita kong matalim ang tingin niya sa waiter kaya tumikhim na ako baka gumawa pa 'to ng eksena dito.
"I'm sorry,you may now leave." I said. But before he turned around, tinawag ko ulit siya.
"Uhm excuse me? Can I have the menu please?" I asked then smiled.
Tumikhim naman si Sir Stefano kaya nabaling ang paningin ko sakanya. Matalim pa rin ang tingin niya sa waiter. Tsk! Palibhasa badtrip! Nandadamay pa!
"Anything you want Sir?" I asked him. His gaze directed to me. Umiling siya.
"I've already ordered some before we arrived here."
"You may now leave." baling niya sa waiter. Matigas ang pagkakasabi niya kaya umalis na kaagad ang waiter. Tiningnan ko naman si Sir Stefano pero busy na siya sa kanyang cellphone.
Tsk! Asan na ba kasi yung kameeting namin!
Sinulyapan ko ang aking wrist watch at tiningnan kung anong oras na. It's 11:30 in the morning. Kumukulo na ang sikmura ko sa gutom at wala pa rin sila.
Dumating na ang mga inorder namin pero wala padin sila hayst!
Napatingin ako kay Sir Stefano nang mapansin kong kanina pa siya pindot ng pindot sa cellphone niya at galit na ang kanyang mukha. Siguro yung mga kameeting namin yung kinocontact niya. Iniwas ko ang tingin ko nang nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Eat now." Nagulat ako at napabaling muli ng tingin sa kanya. Ano daw?
"S-sir?" paninigurado ko. Kasi kung umoo siya siguradong babanatan ko na itong mga pagkain sa harap ko. Gutom na talaga ako!
"Eat." ulit niya at nag-iwas mg tingin.
"How 'bout you sir?" Tanong ko baka kasi nagugutom na rin siya.
"Just eat." he said coldly.
Tumango nalang ako at nag-umpisang kumain. Nakakalahati ko na ang pagkain at ngumunguya ako nang may nagsalita sa likod ko.
Halos masamid ako nang bigla siyang nagsalita. Nakakagulat naman toh! Jusko!
"Good Morning. Am I late?" Boses ng lalaki sa likod ko. Batid kong medyo may katandaan na siya pero hindi naman masyado.
Tumayo agad ako para batiin siya. "Good Morning, Mr. Lim"
Dali-dali akong tumungo. Binati ko rin ang babaeng kasama niya, mukhang secretary niya yata."Have a seat." yaya ni Sir Stefano sa kanila.
"Thanks!" ani Mr. Lim
"So, it's been a while since we last met. How are you doing?" tanong ni Mr. Lim kar Sir Stefano.
Si Mr. Lim ay isang sikat din na business man. Kasama niya ang asawa niya sa pagpapatayo ng kanilang negosyo. He has chains of hotels and condominiums. Base on my research, he's married for about 18 years already. Probably, he's in midst 50s. Pero hindi halata sa kanya dahil sa malakas na dating at tindig niya.
"Just like the usual. Fine." maikling sagot ni Sir Stefano.
Napatingin naman si Mr. Lim sa akin na may halong pagtataka. I just smiled at him. He smiled back.
"Oh, you got a beautiful lady right here huh? Is she your girlfriend? Wife? Or what?" natatawang tanong niya. I smiled awkwardly before answering kasi mukhang walang balak sumagot nitong si Sir Stefano.
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Uhhh... N---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nag-angat ng tingin si Sir Stefano at nagsalita. Tsk
"Why? Got a problem with her?" he asked irritatedly. What does he mean? Kahit kailan talaga.
Humalakhak naman si Mr. Lim. "Easy, young man. I was just asking. Anyways how's your business?" Natatawang sabi niya.
"Fine. Can we start eating?" bugnot na sabi niya.
"Okay." natatawang tugon ni Mr. Lim.
We started eating silently. Why do I feel awkward now? Dahil kaya ito sa inasta ni Sir Stefano kanina sa waiter?
YOU ARE READING
Melting Ice
Teen FictionHe's my BOSS I'm his SECRETARY Will we enjoy each other's COMPANY? Will I be able to melt this ICE?