Ilang minuto na akong palihim na umiiyak. Hindi ko alam kung napapansin ba ni manong dahil tahimik lang sya habang minamaneobra ang bangka. Paminsan-minsan nagkukwento sya tungkol sa islang ito gaya ng alamat at kung ano-ano pang maipagmamalaki sa Jumalig Island.
Pero lahat ng iyon ay hindi na-absurb ng utak ko. Para lang itong hangin na tumatagos sa aking tenga. Masyado akong occupied tungkol sa nangyari kanina bago pa ako sumakay ng bangka.
Kung dati, ipinagpapasalamat ko dahil naging bestfriend ko si Santi, ngayon mas gusto ko na lang syang maging katrabaho. Para kasing ang hirap umaktong normal sa harap ng bestfriend mo lalo na't deep inside may special kang nararamdaman para sa kanya.
Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang lahat, sana pala nanatili na lang ako gaya ng dati. Yung Karen na laging mag-isa, yung sanay na walang kasama. Yung Karen na tanggap na sa sarili na walang magkakagusto sa kanya. Yung Karen na hindi nakadepende sa ibang tao. Yung Karen na katrabaho lang at hindi bestfriend ni Santi. Pwede pa kaya akong bumalik sa ganon?
Nakakainis.
Nakakadepressed din palang ma-broken hearted. Parang may kung anong punyal ang nakatarak sa puso ko na kahit anong pilit kong alisin ay lalo lang sumasakit.
"Neng, ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay Manong ng magtanong sya. Ngayon ko lang napansin, nakahinto pala kami sa gitna pero tanaw pa din ang cottage na tinutuluyan namin.
"Manong, malalim po ba dito?" Tanong ko.
"Oo Neng, bakit mo natanong?"
"Kapag po ba tumalon ako dito malulunod ako?"
"Marunong ka bang lumangoy?" Usisa nya.
"Ililigtas nyo naman po ako diba?" Seryosong sabi ko. Para kasing hinihila ako ng tubig papailalim. Gaya dati nung sinubukan kong hiwain ang aking kamay, pakiramdam ko noon binubulungan ako ng kutsilyo na saktan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi kapag nasugatan ako mawawala ang sakit na nararamdaman ko.
"Nako Neng, mukhang hindi ka naman marunong kaya manatili ka na lamang dito sa bangka. Ikaw ba ay may problema?"
Sa halip na sumagot ay tumungo ako saka umiling.
"Neng, kung ano mang pinagdadaanan mo huwag kang sumuko. Lilipas din yan. Manalig ka lang sa Panginoon." Pangaral nya na syang nakapagpatahimik sa akin.
"Manong baliw po ba ako?" maya-maya'y tanong ko. Bahagya syang nagulat pero kalaunan ay nalungkot din.
"Bakit mo naman naisip yan, Neng?"
"K-Kasi po sa tuwing nasasaktan ako o kaya nalulungkot...parang gusto ko ng mamatay. Hindi ko po kasi kayang labanan yung lungkot na nararamdaman ko. Feeling ko wala naman akong nagawang maganda sa mundong ito." Tuluyan na akong napahikbi dahil sa sinabi ko.
"Nak, huwag mong isipin yan. Paniguradong hindi yan naiisip ng mga magulang mo o kahit ng mga kaibigan mo." Sabi nya.
"Mukhang wala naman pong malulungkot kung sakaling mawala ako." Sabi ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka humarap sa dagat.
"Hindi totoo yan. Maswerte ka dahil nabubuhay ka sa mundong ito di gaya ng anak ko. Pilit namin syang inilaban, kahit magkandalubog na kami sa utang pero sa huli kinuha rin sya sa amin. Masakit para sa isang ama na mawalan ng anak kaya huwag na huwag mong balaking wakasan ang buhay mo."
Hindi na lang ulit ako nagsalita at nanahimik na lang. Hanggang sa makabalik kami sa pangpang ay nananatiling tahimik lang ako. Binilinan pa ako ni manong na tibayan ko daw ang aking pananalig para maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Her Last Attempt
General FictionDepression was never an easy battle. Kalaban mo ang kalungkutan. Pakiramdam mo mag-isa ka lang, pakiramdam mo walang nagmamahal sa'yo. Pakiramdam mo wala kang silbi sa mundong ito. At para kay Karen, ang pagmamakamatay ang tanging solusyon para mat...