"Karen, halika punta tayong coffee shop? Nakakainip dito sa office. Walang koryente, walang internet.. Nakakabagot." Yaya sa'ken ni Cassy. Mahigit isang oras na kaming nakatunganga sa office dahil nawalan ng power supply sa buong building kaya hindi kami makapagtrabaho. Sabi naman ng electrician ay magagawan nila ito ng paraan kaya lang hindi alam kung anong oras yon. Wala daw eksaktong oras. For now, allow kaming lumabas ng building as long as our phones are open so that they can inform us as soon as the power is back. Kaya kahit ten percent na lang ang battery ng cellphone ko ay binitbit ko iyon.
"Sige, Medyo nababagot na nga din ako." Sagot ko naman. Parehas kaming tumayo saka hinagilap ang mga bag namin nang magtanong si Danica.
"Uy lalabas kayo? Sama ako." Anito saka kinuha rin ang bag. Agad kaming lumabas ng office at dumeretso sa katapat na coffee shop at nag order. Halos puro katrabaho namin ang nasa loob ng shop.
"Alam nyo, isang buwan na lang at magre-resign na ko sa kompanyang ito. Nagkausap na kami ni Richie, pinapahinto na nya ko sa trabaho." Kwento ni Danica bago ito sumimsim ng kape. Hindi naman sya mukhang malungkot, in fact I can see happiness in her eyes.
"That's good. It's time for you to settle na. You're carrying my inaanak and if I were your husband, I will also tell you the same thing." Sabad naman ni Cassy na ikinatango ko.
May asawa na si Danica, kaka-kasal lang nito last month kay Richie na according dito ay childhood sweetheart daw sila na pinaglayo ng tadhana at muling pinagtagpo. Nakakatuwa nga kasi hindi nila in-expect na magkikita pa sila. Nagkataon lang na nung broken hearted si Danica at ninais magpakalasing, nadaanan daw ito ni Richie sa kalsada na halos gumapang na. Noon lang ulit sila nagkita after 15 years at naging magkaibigan. Later on, they became lovers and decided to settle down after two years. At heto nga, buntis na si Danica at ayaw na syang pagtrabahuhin ng asawa. Ang gusto ni Richie ay sa bahay na lang ito at magpahinga. Such a lucky girl.
"Grabe, mamimiss ko kayo. Matagal-tagal din tayong magkakasama. Kahit papano, mga malalapit na kaibigan ko na kayo."- Danica
"Anu ka ba, bibisita kami sa'yo paminsan-minsan, di ba Karen?"- Cassy
Napatingin ako kay Cassy saka tumango. "Oo naman." Nginitian ko si Danica at ngumiti rin naman ito sa'ken pabalik. Uminom ako ng kape at bahagyang sumilip sa may bintana. Natanaw ko si Daniel at Santi na kumakain ng banana cue. Nag-uusap sila at minsan ay tumatawa.
"Maiba tayo, something is weird between you and Santi " - Danica
Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko na bahagyang nakataas ang kilay.
"Nag-iiwasan ba kayo?" Napa-roll eyes ako dahil sa tanong nya. Bakit naman kami mag-iiwasan?
"Yeah, I noticed that too and Santi became serious all of a sudden. Hindi na sya kengkoy just like before. Nag-away ba kayo?"- Cassy
"I know madalas kayong mag-asaran dati pero alam kong walang seryosohan yon. Nakakapagtaka lang na hindi na kayo masyadong ganon." -Danica
"Ako wala akong problema, ewan ko lang sa kanya. Hindi ko naman talaga sya masyadong nakakausap unless sya yung unang nagsalita. Baka wala lang sya sa mood mangulit ngayon?" Sagot ko.
To be honest, maging ako ay nagtataka sa pananahimik ni Santi. Last week, after nya akong ihatid, akala ko pagpasok ko ng lunes ay bubungad sa'ken ang makulit na Santi. Kaya naman nagulat na lang ako ng lagpasan nya ako nung nskasalubong ko sya sa hallway. Dati naman kapag dumating ako, pipilitin nya akong makipag-appear sa kanya.
Minsan talaga nakakainis sya.pabago-bago ng mood."Baka nag-away sila ni Andrea." Wika ni Cassy. Napatango naman kami ni Danica bilang pagsang-ayon.
"Siguro nga " Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Her Last Attempt
Ficción GeneralDepression was never an easy battle. Kalaban mo ang kalungkutan. Pakiramdam mo mag-isa ka lang, pakiramdam mo walang nagmamahal sa'yo. Pakiramdam mo wala kang silbi sa mundong ito. At para kay Karen, ang pagmamakamatay ang tanging solusyon para mat...