Warning: Reader's discretion is advised
"Langit"
Sinabi mo'y langit ang pupuntahan
Habang ika'y nagmamadaling ihubad ang aking mga suot
Pumayag ako sa iyong kagustuhan
Sapagkat ako'y naniniwala sa iyong mga salitaAng ating mga katawan ay magkadikit
Lumabas sa iyong labi ang mga salitang,
"Mahal kita, Aria"
Hangga't sa ang aking kinabukasan ay tuluyan nang nasiraHinawakan mo ang aking ari-arian
Pinagsawaan ang aking katawan
Pinaglaruan ang aking kabundukan
Sarap lamang ang nararamdamanAt nang nakuha mo ang iyong nais
Ika'y tuluyan nang nawala
Nawala sa aking buhay
Na para bang bulaSinabi mo'y langit ang pupuntahan
Ngunit bakit impiyerno ang aking nararanasan?
Ang aking pagmamahal ay totoo
Sapagkat ito'y ginamit mo lamang upang magamit ako☘ --- ☘
Salamat sa iyong pagbabasa.
BINABASA MO ANG
| One Shots | Poems | And More |
Short StoryStories, poems, and other literature written by a lowkey "writer". And yes, Tagalog to noh but, there are English ones too. Subscribe to Pewds lol. Start: January 28, 2020