"Fights"
"Ayoko na!"
"Umalis ka nga rito!"
Ano ba to? Away tayo nang away. Isang oras lamang nagkakabati. Pagkatapos niyan ay nagsusuntukan nanaman tayo, nagsusuntukan ng masasakit na salita.
Ano ba to? Paulit-ulit nalang. Hindi pa ba tayo nagsasawa? Nag-aaway dahil sa mabababaw na dahilan.
Kay rami nang dahilan upang iwanan natin ang isa't-isa. Kay rami nang pagsubok na naiharap, ngunit bakit tayo'y nanatiling matatag?
Love.
One word, four letters. As simple as that. Mas malakas ang pagmamahal natin kaysa sa tinatawag natin na "pride".
"I'm sorry Dave. Sorry sa mga kasalanan ko, sa pagiging makasarili ko, at sa mga oras na sinasaktan kita physically at emotionally. Sana mapatawad mo ako."
"Sorry rin Angie. I love you."
"I love you too."
Diba? Ang dali-dali lang niyan eh. Learn to forgive and forget. Matuto tayong magpatawad at humingi ng paumanhin sa ano mang kasalanan na ating nagawa. Manatili tayong matatag at huwag tayong magpadala sa sama ng loob.
Patuloy sa pag-aaway o i-babalewala na lamang ang sama na loob at ipagpatuloy ang pagmamahalan na walang hanggan?
☘ --- ☘
Salamat sa iyong pagbabasa.
BINABASA MO ANG
| One Shots | Poems | And More |
Short StoryStories, poems, and other literature written by a lowkey "writer". And yes, Tagalog to noh but, there are English ones too. Subscribe to Pewds lol. Start: January 28, 2020