Chapter 4

279 14 0
                                    

CHAPTER 4

MEGA's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Umaga na pala at nandito na ako sa kwarto. Bumangon ako at nakita ko si Evo nakaub-ub sa bed. Mukhang dito na sya inabot ng antok.

"Hey Evo gising na!"

"Uhmm." unti-unti nyang inangat yung ulo nya.

"Bangon na ipagluluto kita" bumangon na ako ng  tuluyan at pumunta sa kusina. Nagluto ako ng masarap na almusal para sa aming dalawa.

Pagkatapos naming kumain niyaya nya akong magpunta sa park. medyo di naman kalayuan yung park eh kaya pumayag na kong sumama.

"Best samahan mo naman ako sa park. Pasyal tayo. Gusto ko lang ng sariwang hangin."

"Okay. Gusto mo laro pa tayo dun eh." 

"Tara na dali."  tatakbo kaming nagpunta sa park.

Ang bilis talaga ng oras. Maghapon na pala kaming naglalaro, nagkukwentuhan, nagtatawanan at naglalakad-lakad. Huminto ako saglit sa paglalakad. 

"Evo halika maupo muna tayo" umupo ako dun sa bench. tumabi sya sa akin.

"Ang ganda talaga ng sunset view. I really love it."

"Ayoko sa sunset. Parang ang lungkot kasi nung view eh. Natatakot kasi ako na baka bukas..." di na nya tinuloy yung sasabihin nya. Bakit kaya ang lungkot nya. May dinaramdam kaya sya? Kawawa naman sya.

"Maganda kaya ang sunset. Marerealize mo rin yun balang araw. Tara na uwi na tayo."

EVO's POV

"Ayoko sa sunset. Parang ang lungkot kasi nung view eh. Natatakot kasi ako na baka bukas..." anu ba hindi ko masabi sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya na natatakot akong baka paggising ko wala na sya sa tabi ko. Ayaw kong mangyari yun. Hindi ko kaya.

Umuwi na kami ng bahay. Nagsimula na ulit syang magturo sa'kin. Medyo tinatamad ako. Inaantok na kasi ako eh. Sa tuwing mapapapikit ako at mapapasubsob pinipitik nya ako sa ilong.

"Aray! Ang sakit nun ah!" reklamo ko

"Hey, makinig ka naman kakaunti na eto oh."

"Ayoko bukas na lang. Gusto ko ng matulog."

"Ayoko nga! Di pwede itutuloy natin eto. Last na ito. PLEASE." pagmamatigas nya.

"Sige pero sa isang kondisyon. Sa akin ka tatabi pagtulog."  ang talino ko talaga.

"Okay fine. Let's start na." di man lang sya nagreklamo.

Natapos na din sa wakas. Pagod kami parehas. Mas una syang pumunta sa kwarto ko.

"Best mauna ka ng matulog. Pahiram muna netong laptop mo ha." umupo sya sa sofa at binuksan yung laptop ko. Nauna na akong humiga at natulog.

MEGA's POV

Hindi pa naman ako inaantok kaya hiniram ko muna yung laptop ni Evo. Naglaro muna ako ng ilang oras tapos tinignan ko yung mga pictures nya. Ang gwapo talaga nya then napatingin ako sa kanya. Aba! Tulog na ang mokong. Lumapit ako at mukhang mahimbing na ang tulog nya. Pagod kasi sa maghapon kaaaral. nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya. He's cute kahit natutulog. I think I'd fallen in love with this guy.

"Best parang kelan lang tayo nagkakilala pero ganito na agad ako napamahal sa'yo. I think i love you that much. Hope you'll love me back before it's too late." I kiss him on his forehead.

Bumalik na ulit ako sa sofa at naisipan kong magvideo ng sarili ko. Ahaha kaewanan lang yun. Inaantok na ako kaya dun na lang ako natulog sa sofa.

I Love My Stranger Bestfriend [~completed~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon