Chapter 5

307 13 0
                                    

CHAPER 5

DAY 3

Maaga akong nagising pero mas maagang nagising si Evo. Bumaba ako ng kusina. Nakita ko syang nagpeprepare ng pagkain.

"Good morning best!"

"Good morning din"  reply ko...

"Halika kain na tayo. Ako naman ang nagluto para sa'yo."

"Sige. Aayusin ko na muna yung gamit ko para diretso na akong uwi pagkakain."

"Anu? Aalis ka kaagad? Mamaya ka na umalis ako ang maghahatid sa iyo."

"Okay."

"Meg tayo mamasyal sa mall. Hindi na kasi ako nakakapag mall eh. Dali na. Nuod din tayo ng sine."

"Hah. Ah eh.. oo sige miss ko na rin ang mag mall"

"Sige kain na tayo. Pagkakain natin punta na agad tayo."

Pagkatapos namin kumain ay pinaligo at pinabihis na nya ako. Pagkabihis ko lumabas na ako. Naghihintay na pala sya sa labas.

"Sakay na best" sabi nya habang nakassakay sya dun sa kotse.

Sumakay na ako.

EVO's POV

Pagkadating namin sa mall nag-ikot-ikot muna kami, bumili ng pagkain at niyaya ko din syang mag arcade. Ang saya ko talaga sa tuwing kasama ko sya. Sana di na matapos ang araw na ito.

Pagkatapos namin mag-arcade pumasyal-pasyal ulit kami. Napadaan kami sa tindahan ng camera. Naisipan kong bumili nun kasi nakalimutan ko sa bahay yung cam ko eh. Ang pangit naman kung wala kaming picture ni Meg habang magkasama kami at masaya. Pinaupo ko muna sya sa upuan dun.

"Wait best. Umupo ka muna dyan. May bibilhin lang ako saglit. Intayin mo ko dyan ha."

"Ok fine. Bilisan mo lang ha. :)"

Dali-dali akong pumunta sa store at bumili ng camera. Pagkabili ko, si Meg agad ang una kong pinicturan. Stolen pic yun pero kahit na ang cute parin nya habang kumakain ng cotton candy. Pinagmasdan ko yung picture nya at napapangiti ako.

"Ui best andyan ka lang pala akala ko iniwan mo na ako. Ang tagal mo kasi kanina pa kitang inaantay eh."  si Meg lumapit sa akin. Di ko namamalayan ang tagal ko na palang nakatitig dun sa picture nya at parang baliw na napapangiti.

"O best andyan ka na pala. Sori ha medyo natagalan kasi akong..." di pa ako tapos magsalita nung nagsalita sya.

"Natagalan bumili o natagalan ka katititig dyan sya picture ko. Ikaw ha..Pangiti-ngiti ka pa dyan.." mapang-asar nyang tanong.

Anak ng tokwa.. Panu nya nalaman. Eh di ko tuloy mapigilan mag blush.. 

"Tara na nga gutom lang yan. Pagkatapos natin kumain manonood na tayo ng sine." inakbayan ko sya.

"Di man lang ba tayo magpipicture. Picture naman tayong dalawa oh para remembrance." sabi nya ng malungkot.

"Sus kaw naman oh. Syempre naman dapat may picture tayong dalawa. Oh ngiti na." nagpicture kami. Yung simangot nya napalitan ng matamis at magandang ngiti. Nagmukha tuloy syang anghel.

Pagkatapos namin kumain at manood ng sine ay niyaya nya akong pumunta sa isang personalized item store.

"Halika dito Evo. Pagawa tayo ng friendship bracelet" hinila nya ako papasok.

"Pili ka ng magandang design tapos palalagyan natin ng pangalan. Eto saken tapos palalagyan ko ng "MEG love EVO" di ba ang cute. Dali pili ka na" bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

"Sige ganyan na lang din yung saken tapos palagay mo na rin "EVO love MEG" para parehas tayo." Hindi ko na naman mapigilan di mapangiti.

Pagkatapos magawa yung bracelets kinuha nya yung kamay ko at inilagay yung bracelet  ko namay nakalagay na "MEG love EVO" sakin pala yun.

"Ang bracelet na ito ang tanda ng ating pagkakaibigan. Lagi mo sana iyang susuotin. Remembrance ko yan para sa'yo wag mo sana akong kalilimutan ha kahit anong mangyari." nakita kong pumatak yung luha nya  tapos pinahid ko.

"Syempre BESTFRIEND kita eh. Wag ka na umiyak. Tayo na ihahatid na kita."  

"Sabi mo yan ha.. Promise?"

"PROMISE" then i hug her.

Inihatid ko na sya sa kanila. Gabi na pala.

"Kita na lang ulit tayo sa school bukas. Good night best"

"Good night din best. See you tommorow." nag goodbye na sya sa akin.

Pagkauwi ko halos di na ako makatulog sa kaiisip ng mga nangyari kanina sa mall.. Sana andyan lang sya lagi sa tabi ko. Namimiss ko na agad sya.

"Meg..MAHAL KITA..MAHAL KITA..MAHAL KITA..MAHAL KITA..MAHAL KITA..! Di lang mahal kundi MAHAL na MAHAL.!"  nagsisigaw ako sa sobrang tuwa diko na mapigilan yung sarili ko. Yeh i'm crazy for that girl.

I Love My Stranger Bestfriend [~completed~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon