MSTB-6

173 7 2
                                    

Khaycee's PoV

"Khaycee!!!tawag sa akin ng bestfriend kong si Jane ng dumating ako sa university na papasukan namin.

"Makatili ka namn bes wagas."sabi ko at bumeso ako sa kanya.

Sabagay dalawang linggo din na hindi kami nagkita ng bestfriend kong ito kahit pa malapit lang sya sa amin. Paano nagbakasyon daw pala sila ng isang linggo sa Ilocos.

"Namiss kasi kita, ikaw ba hindi?!she asked pagkatapos ay nagpout sya.

"Namiss, asan pasalubong ko?"sabi ko

"Pasalubong talaga agad, di man lang ako kakamustahin?"umismid sya kaya umakbay naman ako.

"Ikaw naman, o kamusta naman ang bakasyon mo?"sabi ko

"Ayos naman bes, masaya."sagot nya

"Ayan na sina Melissa at Barbie."sabi ko pagkakita ko sa dalawa

Pagkalapit ng dalawa sa amin ay nagbeso kami sa isa't isa.

"O tara na, baka malate tayo."sabi ni Jane

Pagdating namin sa room namin sa first subject eh sa harap na lang ang bakante kaya naupo na kaming magkakaibigan dun. Maingay talaga pag first day, idagdag pa ang kaingayan ko.

Dinig ko sa likod ko nagbibida ang isang hitad na babae ng mga gamit nya. Puro daw kasi branded yung mga gamit nya. Natawa tuloy ako sa sinabi ni Jane.

"Sis, dinig mo? Branded daw lahat. If i know binili nya lang yun sa wagwagan."sabi nya

"Gagi, parang di natin gawain ah."sagot ko

"Gawain natin minsan, pero di naman natin kelangan ipangalandakan."sabi nya tapos humagikgik

"Uy ano ba kayong dalawa, share nyo naman yan, hindi yung kayo lang ang tumatawa jan."si Barbie

At ikinuwento nga ni Jane yung tinatawanan namin. Pinakinggan naman ni Barbie yung mga nasa likod, inis na inis pa si Barbie nung pinakikinggan nya yung pagyayabang ng isang kaklase namin. Pati si Melissa ginagaya pa nyang magsalita.

****

"Una ka na kasi!"dinig kong sabi nung nasa labas. Nakasara na ang pinto pero dinig ko pa rin. Nasa tabi lang kasi ako ng pintuan.

"Ikaw na mauna!"sabi ng isang tinig.

Naiingayan ako, pero pilit kong itinutuon yung focus ko sa mga sinasabi ng prof namin.

"Kasi naman ikaw eh, tulog mantika, ayan tuloy late tayo!"sabi naman ng isa

Di ko na sana papansinin pa pero nagulat ako at nawala sa concentration nang isa sa kanila ay parang tinambol o sinipa o di kaya ay naitulak sa may pinto. Sa inin ko ay tumayo ako at marahas na binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ay sunod sunod silang napadapa papasok sa room namin. Nagtawanan ang buong klase, palibhasa mga freshmen kami kaya comedy ang kinalabasan ng pagkakatumba ng limang lalaki sa loob.

"Araaaayyy!"sabay sabay pa yata sila

Nagalit ang prof namin.

"Late na nga akong pumasok para siguradong all in kayo tapos may mahuhuli pa rin pala! First day pero anong ginawa nyo?"sigaw ng prof namin.

"Sorry po, di na po mauulit."sabi ng apat, oo apat lang, except uli yung isa. At isa pang oo, sila na naman, ang bisita namin two weeks ago. Umupo na tin naman sila. Ngumiti sila sa akin pagkakita nila. Di ko na lang sila pinansin.

"Hoy bes, tulala ka nanaman!"si Jane

"Ha? Ano, kuwan."sabi ko na lang

"Di ba may kwento ka sa akin tungkol sa mga yan?"sabi nya at kinurot pa ako sa tagiliran ko, napasigaw tuloy ako.

"Ahhhh!"

"Yes miss? Any problem?"-prof

"Po? Wala po mam."si Jane

Mabuti na lang at di na umimik ang prof namin.

Nagpatuloy sya sa kung anu anong topic nya. At voila, pagkatapos ay sa sunod na subject naman kami.

The whole time tulala ako, lalo na kapag napapatingin ako kay, pogi. Angpogi pogi nya naman kasi.

Breaktime

Naglabasan kami sa room namin, derecho kami sa cafeteria. Napalingon ako sa garden ng makita ko nanaman yung lima.

"Guys, bili na lang tayong pagkain, dun tayo sa garden."out of the blue kung sabi iyon

"Sure."sabi naman nila

Bumili nga kaming pagkain tapos ay nagmadali akong maglakad papunta sa garden.

"Nagmamadali bes ganun? May lakad?"si Jane

Napahinto ako, oo nga pala baka sabihin nila excited much ako. Eh paano naman kasi tong limang to oh. Angcute cute nilang tingnan, tapos si antipatikong pogi ang cute cute nyang nag i strum sa gitara nya, habang kumakanta yung apat sabay yung isa naggigitara din.

"Uy Khaycee, may hidden feelings ka sa isa jan no?" Bulong ni Jane sa akin, pulang pula na talaga ako.

Iniwas ko na yung tingin ko tapos naglakad akong sumagot sa kanya.

"Wala kaya, naiinis nga ako sa kanila lalo na yun oh."sabi ko at inginuso yung si pogi, si Deej yata yung pangalan, ay ewan.

"Talaga, inis ka sa kanila?"sigaw ni Barbie

Aba bat sumisigaw to, tumigil ako, malapit na pala ako sa lima. Pagtingin ko sa likod ko malayo layo na rin pala ako sa mga kaibigan ko.

Tawanan sila.

"O san ka pupunta?"tanong nila na i am sure inaasar lang nila ako

Maglalakad na sana ako palayo ng tawagin ako nung isa sa kanilang lima, si Kats yata to.

"Uy Khaycee! Classmate."sabi nya sabay tayo at lumapit sa akin

"Ah,,hi."tipid kong bati na rin.

"Hi Khaycee!"sabay sabay na bati sa akin nung tatlo ofcourse except yung isa.

"Hello."sabi ko at nagwave pa sa kanila tapos syempre smile ng todo.

"Ah sige, una na ako."sabi ko

"Wait, pede join kami sa inyo?"si Seth

"Tanong ko muna sa kanila ha."sabi ko.

"Sige."sagot naman nila

Nagpunta nga ako sa mga kaibigan ko at gaya ng inaasahan kinulit nila akong kinulit.

"Grabe Khaycee, nagpakilala sila sa'yo?"si Melissa

"Kilala ko na sila actually."sagot ko

"Join daw sila dito, pwede?"i continued

"Oo naman pwedeng pwedeng pwede."si Barbie

"Wait, kelan at paano mo sila nakilala?"si Jane

"Yun nga sana ikukwento ko sis, kaya lang walang pagkakataon di ba. Kapit bahay natin sila."sabi ko at nagwave kina Katsumi para papuntahin sila dito sa kinauupuan namin.

"Ah talaga? Infairness anggugwapo nila. Lalo na yung umalis."sabi ni Jane

Pagtingin ko, nakalayo na si pogi sa kanila. Arte, ano yun ayaw nya kaming kasama. Antipatiko talaga. Lumapit naman sa amin ang apat.

Isa isa kung pinakilala sa mga kaibigan ko yuna apat. Bumida talaga si Katsumi sa mga kaibigan, sobrang hyper nya kasi. Si Jane ang madalas kausapin ni Seth, si Melissa naman si Katsumi, pareho kasi silang makulit, pero mas makulit pa rin ako kaya talagang magkajive na magkajive din kami ni Kats. Tapos si Barbie naman kay JC nagkakaintindihan sila. At ako si Lesther, ewan ko habang nag uusap kami kasi meron sya yung 'sweet bones' kung tawagin. At gustong gusto ko yun sa isang tao, yung sweet sya, kasi sweet din ako.

_______________________________

Saaaareeeeeehhhh po for the lame ud.

Vomment guys.

xoxo

~~~bellagatmen~~~

My Silent Type BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon