MSTB-7

225 11 4
                                    

Normal PoV

Dismayado si Khaycee ng iabot sa kanya ang 1st long quiz nila sa major subject nila. Naiinis sya kasi isang puntos na lang eh perfect na sana nya ang exam. Ganunpaman ay buong ningning pa rin nyang tinanggap iyon.

Taas noo pa sya dahil binanggit pa talaga ng prof nila.

"Good job miss Bernardo, you did a very good start."bati sa kanya ng prof nila

Ngiting tagumpay, feel na feel at dumikwatro pa sya dahil napuri sya ng prof nila.

Tumingin sya sa gawi ng mga lalaking kaklase nila lalo na kay Deejhay, para bang sinasabi ng mga ngiti nya na 'gayahin nyo ako, matalino ito'. Nagkibit balikat pa sya.

"Who's Mr. Kabe here?"tanong ng prof nila at itinaas pa ang papel na hawak nya

"Ako po yun maam, angcute ko di po ba."-Katsumi

"Angcute mo nga, cute din ng utak mo, oh itong papel mo, uso mag aral hijo ha."sabi ng prof nila at humagalpak ang tawa sa buong klase, kakamot kamot naman sa ulong kinuha ni Katsumi ang papel nya. Syempre pa, penektusan na naman siya ng mga kaibigan nya pagbalik nya sa upuan nila.

"Dude, nakakahiya ka!"si Lesther

"Uy mula ngayon maghanap ka na ng bago mong kaibigan."si Seth

"Grabe naman kayo."nakapout na sabi ni Kats

Tawanan tuloy sila. Pati si Deejhay ay napapailing na rin.

Natawag na halos lahat ang pangalan ng mga magkakaklase, si Khaycee naman ay hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi, akala mo nanalo sa lotto.

"This is very impressive!"bigla ay bulalas ng prof nila.

"Padilla! Mr. Padilla."tawag ng prof nila sa may ari ng huling papel na hawak nya. Nagtaas naman ng kamay si Deejhay tumayo ang prof nila at inabot sa kanya ang papel nya.

"You also did well. Wala man lang mali."manghang mangha ang prof nila

Ngumiti naman si Deejhay at itinago na ang papel sa bag nya.

Humalukipkip si Khaycee, di nya kasi matanggap na may tumalo sa kanya. Sa isip nya, may ibubuga din pala ang lalaking walang dila. Dumagdag tuloy sa pogi points nya.

Umakbay si Jane sa kanya, "its okey sis."sabi pa nya sa bestfriend nya.

Tumango naman si Khaycee, "okey lang ako, don't worry."sabi naman neto. Alam kasi ni Jane na mabilis madismaya si Khaycee sa mga ganoong bagay. Pero later din naman ay ayos na sya.

Khaycee's PoV

Natapos ang klase sa maghapon, as usual bago kami uuwi, namamasyal muna kami sa mall. Kakain, window shopping, kwentuhan, selfie selfie, groupie groupie ganun.

"Guys lakad na lang tayo mamaya, wala na akong pera eh."si Jane, paano bili ng bili ng kung anu ano.

"Hindi, okey lang sakay na lang tayo."ako

"Lakad na lang sis, kasi ikaw na lang laging taya eh."si Melissa

Nag agree naman silang lahat kaya nag agree na din ako. At pagkatapos nga namin sa picture picture namin ay umuwi na rin kami.

Syempre ibang way si Barbie sa amin kaya as usual sumakay na sya pauwi.

"Khaycee, tahimik ka na naman jan."puna sa akin ni Melissa

Napatingin lang ako, ni hindi ko sya nasagot. Ewan ko ba, this past few days napapansin kong ganito na lang ako lagi, tahimik at tulala.

"Hoy! Lah! Tulala ka na naman, may sakit ka ba?"si Jane at humipo pa sa noo ko na iniiwas ko naman

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Silent Type BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon