MSTB-2

320 10 0
                                    


Dee Jhay's PoV

Nagising akong nakapalibot ang mga kaibigan at kabandmates ko. Iginala ko ang paningin ko, at sa nakikita ko ay nasa isang hospital room ako.

Gusto kong magsalita pero parang wala ako mailabas na tinig. Gusto kong tanungin nasan ang daddy at mommy ko pero hindi ako makapagsalita. Kaya pilit akong tumayo.

"Dude, wag ka munang tumayo. Kelangan mong magpahinga."-Lesther

Gusto kong magsalita at sabihing kelangan kong makita si daddy at si mommy pero muki ay wala akong maisatinig.

Nanatili akong tahimik. At naalala ang masaklap na pangyayari kanina. Naramdaman kong uminit ang gilid ng mata ko at nagsimula ng mag unahan sa pagtulo ang luha ko.

"Dude, wag mo munang i stress ang sarili mo. Everything will be alright."-Seth

Wag kang mag alala pare, mahuhuli din ang bumaril sa dad-natigil sa pagsasalita si Kats ng sikuin sya ni JC

Muli ay tumulo ang mga luha ko, walang patid, at humihikbi pa ako dahil sa pangyayaring ito sa buhay ko.

Pinilit kong makapagsalita,

"Nasan si Daddy!"sigaw ko habang umiiyak.

"Nasan si daddy?"ulit ko ng hindi sila magsalita at lahat sila ay umiiyak na

Pinilit kong tumayo pero pilit din nila akong pinipigilan.

"Dude, kelangan mo munang magpahinga. Wag kang mag alala inaayos na ni tita lahat."-JC

"I need to see my dad, where is he?"i asked

Walang nagsalita. So ano, did it really happened? Bakit ayaw nilang magsalita, bakit ayaw nilang sabihin kung nasan sya.

Kaya pinilit kong tumayo at ng makakuha ako ng pagkakataon ay lumabas ako sa kwarto.

Narinig ko pang tinatawag nila ako, they even reached my arms at hinahatak akong pabalik sa kwarto. Paglabas ko ay nandito ang ibang bodyguards ni daddy.

"Sir Deej, dun lang po kayo sa kwarto nyo, di po kayo pwedeng lumabas."-guard 1

Di ako umimik bagkos ay tinabig ko sila at mabilis akong tumakbo. Sinundan naman ako ng mga kaibigan ko ganun din ang mga bodyguards ni daddy.

Pagdating sa lobby ng hospital ay biglang may nagkislapang mga ilaw, at ito na ang kinaiinisan ko, ang media.

Nang makita nila ako ay naglapitan silang lahat sa akin

"Anong masasabi mo sa nangyari sa daddy mo?"

"Sa tingin mo ba napagplanuhan ito?"

"May suspek na ba kayo sa bumaril kay gov?"

"Ano kaya ang motibo nila sa pagpatay kay gov?"

Dun napatingin ako sa nagtanong, namatay nga si daddy. Wala na ang daddy ko. Sunod sunod nanamang nag agusan ang mga luha ko. Gusto kong pagsusuntukin yung mga nag iinterview dahil sa mga ganitong pagkakataon eh nagagawa pa rin nilang mangalap ng maikukwento nila.

Hindi ako nagsalita at tumalikod na sa kanila. Lumapit naman ang mga guards at pilit na nila akong dinala sa kwarto.

Maya maya ay may pumasok na nurse at may itinurok sa akin. At unti unti ay nakatulog ako.

Umaga na ng magising ako. Iginala ko ang paningin ko at nakita ko, nandito pa rin sina Seth at JC. Nasan kaya sina Les at Kats? Malamang umuwi na muna sila.

"Tol gising ka na pala."-si Seth yun pupungas pungas dahil kagigising lang din

Hindi ako umimik tumingn lang ako sa kanya.

My Silent Type BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon