Chapter 8 You Desire Most

13.8K 755 103
                                    

"It is your life to live and only you can choose your pain and pleasure."


Kreme POV


"What's done is done." Mariing sabi ni mama habang nandito kaming lahat sa loob ng library nina tito Flynn.

"Kaya nga!" Sagot naman ni tito. "That's why we're here to settle this once and for all."

"We have to decide -" Nasabi ni mamay na noon ko lang narinig ang tinig simula ng pumasok kami sa loob ng silid na ito. "- now."

Sukat sa sinabi ni mamay, natigilan ang lahat at unti-unting nagbaling ng tingin sa naguguluhang si Gabrielle na mag-isang nakaupo sa couch. Litong-litong nagpapalipat-lipat ang kanyang tingin sa amin.

Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanya. She must be in complete distress because of this meeting.

"Gabrielle, hija." Tawag ni tito Flynn.

Awtomatikong nagbaling ng tingin si Gabrielle kay tito Flynn. Sa nakikita ko sa kanyang mga mata, parang anumang oras ngayon ay iiyak na siya.

"Alam mo at naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon natin dito, hindi ba?" Panimula ni tito. Nakatitig lang si Gab sa kanya ngunit nananatiling tahimik. "Let's face it, hindi na matutuloy ang kasal mo sa anak ko dahil sa nangyaring ito sa kanya. But Kreme here is ready to -"

"Tito." I cut him off immediately.

Sa akin naman ngayon nabaling ang lahat ng kanilang atensyon. Lahat ay nagtatanong ang mga mata sa pagsabad ko, pwera kay Gabrielle na magpahanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sa nangyayari.

"Kreme here is ready to shoulder her cousin's responsibility." Si mama Hailey ang nagtuloy ng sasabihin sana ni tito habang sa akin nakatitig.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Gabrielle ng marinig ang sinabi ni mama. Mukhang hindi na nila kailangang ipaliwanag pa sa kanya kung ano ang ibig nilang sabihin dahil naintindihan na yata niya ito.

"She's going to marry you tomorrow -"

"Please!" Maagap kong putol sa sinasabi ni mama. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng takot sa magiging reaksyon ni Gab sa kanyang malalaman tungkol sa napag-usapan.

Afraid of being rejected? Tuya ng aking isipan na pilit kong binalewala.

Muli silang natigilan at natuon ang atensyon sa akin. Hindi naman nakaligtas sa aking pansin ang ginawang pagsupil ng ngisi ni Harper habang tahimik lang itong nakatayo't nakahalukipkip, pasandal sa isa sa mga bookshelves sa bandang kanang bahaging gilid ng silid.

Ngunit hindi ito ang aking inaalala kundi ang babaeng sentro ng aming paksa ngayon. Kitang-kita ko ang pagkalito, pagkagulat at samo't saring emosyong naglalaro ngayon sa ekspresyon sa kanyang mukha. Halata ang malaking kaguluhan sa kanyang isipan sa kanyang mga mata. Kaya naman dali-dali ko siyang nilapitan at naupo sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay.

Para siyang tahimik na humihingi ng saklolo nang nagbaling siya ng tingin sa akin. My heart goes out for her.

"Give her time." Nagbaling ako ng tingin sa aking pamilya. "She needs time to think this over."

"I'm afraid, sweetheart." Tugon ni mamay Abby. "Time is something she doesn't have right now."

May pagmamakaawang tumitig ako sa aking lola. "Then at least, let us give her the chance to speak. Hayaan natin siyang mag-desisyon para sa kanyang sarili -"

"Kreme," Tito Flynn cuts me off. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Let her decide?" Hindi makapaniwalang pag-uulit niya. "Hindi lang naman siya ang nakasalalay dito, we're all after the child's welfare!"

Prima Donna - Montalban vs. MontalbanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon