Angelique POV
Nakakapang-sisi. Sayang ang ligo ko!
Umagang-umaga, ang init na ng simoy ng hangin. Ngayon ko lang narealize na nakaka-haggard maglakad.
Ang hot ko na grabe.
Malapit na ako sa gate ng school nang maramdaman ko ang bahagyang pagkalam ng sikmura ko.
"Hayys, gutom na ko", pabuntong hiningang sabi ko. " Makain na nga yung pinabaon ni mama".
Pagkakuha ko ng sandwich ko sa bag, agad akong kumagat ng isa at isa pa dahilan para mapuno non ang bibig niya.
Akmang susubo pa ako ng matapos ang nginunguya nang may bigla na lang dumating na humaharurot na sasakyan para muntikan na akong masagasaan!
"Waaaaaa!!!!" pagtili ko.
Huminto ang sasakyan.
"I'm so sorry. Nasaktan ka ba Miss?" sabi nito pagkababa niya ng sasakyan.
Aaminin ko natakot ako at nainis ng sobra sa nangyare.. 'yung sandwich ko, nalaglag!! huhuhuhuhu... pero suddenly it's magic nang mawala lahat bad feelings na yun, nang makita ko ang mala-anghel nitong katauhan. Tao pa ba ito?
Nagkikislapang mga mata, mapupula at maninipis nyang labi, makisig na pangangatawan at higit sa lahat matangkad sya mga tih.
Isa na ba siya sa mga prince charming sa daydreams ko?
Gusto ko ng kiligin kyahh!..Nang mapansin kong nakatulala na ko sa kanya at may nagbabadyang patulong laway ay agad ko ng naagapan. Nakakahiya!
"Miss, are you okay? Here's my calling card. I'm in a rush today so I need to go."
Aba't! Ano ganon ganon na lang iyon?
Agad kong hinawakan ang braso nito.
Nakuryente ako. Shemmss! Ang weird. Pero hindi ko muna pinansin iyon.
"Hoy, mister! Hindi ako madadaan niyang sorry mo. Natapon ang pagkain ko. Alam mo bang iyon na nga lang ang aalmusalin ko tapos masasaya----" naputol ang sasabihin ko ng abutan niya ako ng PERA!
"Here. That's what you want right?", he said coldly. Umalis na ang lalaki pagka-abot ng pera at naiwan akong nakatunganga sa tabi.
Aba't wala atang manners itong lalaking 'to! Mga taong kulang sa aruga..
Napa-iling na lang ako sa naisip.
Napatingin ako sa hawak kong calling card kasama ang perang iniabot nito. 5k ang halaga niyon. Ano ako bayarang babae? Ni hindi pa ako pinatapos sa sasabihin ko...Hambog!
Stephen Kurt Buenaventura. English For Academic and Professional Purposes (EAPP). Professor in Pure Kingdom Academy
Omygashhh! siya na ba ang new prof. na papalit kay ma'am Leslie!?
Nilipat kasi ng school si ma'am which is good opportunity for her kasi sa magandang proposal na ibinigay mismo ng school. As far as I know, sa Wisdom High University siya na-assign.
Tamaan sana ako ng swerte na hindi maging professor iyon kundi kahihiyan talaga!
Agad akong tumakbo baka may pag-asa pang makahabol at wala pa si prof. Baka lang naman..
'Till now hindi ko pa din kabisado ang schedule at subject namin per day. Legend eh.
Pure Kingdom Academy.
Proud to be here kasi since then gusto ko ng mag-aral dito. I chose the strand of Accountancy,Business Management for my mama, myself and kuya's choice.Also, for the future, of course. Ganyan sila ka-supportive kahit minsan, di maiiwasan ang may di mapagkasunduan lalo na ni kuya."Section: Hindi Pinagpala ". Room 143. Agad kong binuksan ang pintuan matapos makita ang respective classroom ko.
Habol-hininga akong nakarating roon at kung mamalasin nariyan na si Ma'am Louise!
"Excuse me, Ma'am! Sorry po for being late today, di na po mauulit. G-good morning po pala" nakatungong sabi ko.
"Okay and you are?", tanong niya.
"I'm Angelique Anne Villafuerte,Ma'am", sagot ko.
Hindi pa kasi ganon gamay ng mga teachers ang pangalan ng students nila since one month pa lang ang nakalilipas. Also, adviser din pala namin siya in General Mathematics.
"Miss Villafuerte, you are now a senior high student, dapat alam at kaya mong limitahan ang oras mo", sermon nya. Ang aga-aga nanenermon na tong si Ma'am.. Hayyst!
"S-sorry again, Ma'am", naghanap agad ako ng mauupuan matapos non.
Ngayon ko lang naalala na walang permanent sits at lalong hindi na uso ang sitting arrangement sa SHS class kaya para akong timang na naghahanap ng mauupuan.
Lahat sila nakatingin sakin at parang ayaw nilang paupuin ako. Well, wala naman kasi akong friend sa classroom na ito, kaya mababa ang rate ng social life ko. May pagkabitchesa pa na ayaw ng karamihan. Introvert din kasi.
Finally, may nakita ako sa dulong bahagi na mauupuan.
Hayys, salamat naman at may mauupuan na ako.
Nginisihan ko sila ng makahanap ako ng mauupuan. While them? Nagtataka ang mga tingin sa akin.
Kaya nagsisisi akong umupo pa roon nang napasalampak sa lupa ang pwet ko. "Aray!", ang tanging nasabi ko. "Eh kasi kung hindi ka lang isang ulirang tanga, hindi mo manlang naisip na sira nga pala ang mga upuan sa likod!" panenermon ko sa sarili.
Nagtawanan ang buong klase.Nagpanggap akong okay lang sa akin ang lahat. Ngumiti ng bahagya sa klase at nagpaalam sa guro. Sabay walk out, ganern!
Gusto kong magwala na para bang bata sa nangyare at sisihin sila na hindi man lang ako inorient na sira pala iyon pero hindi ko ginawa dahil ayoko ng mapahiya pa at masira ang araw ko.
BINABASA MO ANG
Meet My Daydream
AlteleThe story is all about how do we define love? Ano nga ba ang pinagkaiba ng gusto sa mahal mo na? May proseso ba o requirements sa pag-ibig? Lagi ba dapat nagsisimula ang love story sa war at maging peace? Kung sa physical, kelangan ba ng magandang...