Lyka's POV
Buo na sila. 12 sa harap ko. Buong-buo. Hindi papel, hindi poster, hindi picture o kahit video. Gusto kong sumigaw. Thet. Yung puso ko at feels ko hindi ko na alam kung saan ilalagay. HAHA Nakakatakot lang na baka pag nagiirit ako dito eh isumbong ako kay CEO at ipatanggal ako. Second day ko pa lang sa trabaho maawa’t mahabag.
“Sino siya?” – Xiumin
“May bagong staff? O maglilinis ng dorm?” –Luhan
“Aba aba. Anong tagalinis” -____- Bubugbugin ko toh. Sinasabi ko sa inyo. Oo naaa. Mukha na akong yagit jusme. Kung di kita naging bias nakoooo.
“HAHAHAHAHA Joke. Kilala ka na namin Manager.”- Luhan
“Magkakakilala na pala tayo eh. Osya. Pahinga na. May radio show bukas.” –Suho
“Ang aga pa hyung! Wag ka nga.” Sehun
“Parang di ka napagod Sehun ah. Osya. Iwanan si Sehun sa Sala. Lahat kayo pasok na sa kwarto. Alas dose na aba.”-Suho
“tss. Ewan iyo hyung.”- Sehun
“SEHUNNNNNN”- Luhan
“Matutulog na nga.” –Sehun
“Sige ganyan ka maknae. Pag kay Luhan sumusunod ka. Kaya kayo naiissue eh.”-Suho
“Ipaalala mo pa. Sige pa. Ano bugbugan na lang?”- Sehun
Biruan lang naman yan. Tae. Isipin mong ganito rin sila kagulo. Lord. Salamat po talagaaa. Pangarap is <3
Paikot-ikot lang ako sa kwarto. Di pa ko inaantok. Masyado atang sumabog lahat lahat ng feels ko kaya ayun. BOOM SABOG HAHAHAHA. Bumaba ako papuntang kitchen para mag kape. Pampaantok ko to kaysa gatas. Wag kayong ano. Abnormal talaga toh.
“Ba’t gising ka pa?” –Kris. Syempre walang galang. Mas dapat pa nga ako gumalang eh. HAHA pero nung fan plang talaga ako kung ano-anong sinasabi ko sa kanila HAHAHAHA
“Di makatulog eh. Masyado na-hyper.”
“Eh ba’t kape?”-Kris
“Abnormal ba? Wala eh HAHA. Pampatulog ko. Ikaw? Ba’t di pa natutulog?”
“Batas ako. HAHA” Shet. Ang manly ng tawa. Asdfghjkl.
“HAHAHA.”
‘Sigurado ka bang magtatrabaho ka sa SMEnt?”
“Medyo. Pang-experience lang kumbaga.”
“HAHAHA Nakausap mo na ba si CEO KYM?”
“hindi pa nga eh. Si Pres. Lee Soo Man pa lang. bait nga eh.”
“Sigurado ka ba talagang papasukin mo tong trabahong to?”
“ba’t parang ayaw mo? HAHA”
“Iniisip ko lang ang kalagayan mo.” Leshe. Dapat kikiligin na ako pag ganito. Pero ba’t ang seyoso?
“Bakit?”
“Mahirap ang kalakaran dito. Fan ka diba? Halos murahin na nga ng fans ang company eh. Pahirap kasi. Pero syempre, wala kaming magagawa. May contract. At pangarap ko to. Pangarap namin to.”
Wala akong masabi promise. Lahat ng mga tanong ko nung fan pa lang ako feel ko masasagot dito. Isa pa nga ako sa mga fans na galit na galit sa Company pero ano? Nagtatrabaho ako dito ngayon.
“kakayanin ko Kris. Kakayanin natin.”
“Sana. Walang bibitaw. We are one diba?”
“yes. Pero Kris, maiba. BAKIT ANG DRAMA-DRAMA NG USAPAN HA? HAHAHA Kadadating ko lang.”
“Pinangungunahan ko lang HAHA. Matulog ka na Manager. May sched bukas nako.”
“HAHA Sabagay. Alas dos na rin. Sigi. Oi matulog ka na rin. Wala na munang batas-batas ngayon.” -____-
Pagdating ko sa kwarto, dun ko nilabas lahat ng feels. HAHAHA nagiiirit ako, nagpagulong-gulong, nagtatatalon, at iba pa. Isang araw pa lang yan tae. Ang daming nangyari. Grabeeee. LORD THANK YOU TALAGA <3
![](https://img.wattpad.com/cover/17710073-288-k569557.jpg)