Isipin niyo nlang na marunong mag-korean, tapos translated at kung ano-ano pa. Magagaling naman kayo mag-imagine iknow HAHHAHAHA
Lyka’s POV
“1 2 3 WE ARE ONE, Hello We are EXO” Kyaaaaaaah. Okai. Yun pa lang kinikilig na ako. Paano pa kung Makita ko sila ng malapitan. At opo mga kaibigan, isa akong Int’l Fan na halos halikan na ang screen at nangangarap na makapasok through screen para makasama yung mga asawa ko HAHA.
“Nak, Kakain na”. Syempre baba agad ako HAHAHA. Foods eh. Sinong makakatanggi.
Sa hapag,
“Nak, gusto mo ba talagang makapunta doon sa concert ng EXO?”
“Yes ma. Kaya lang wala akong pera. Wala akong pampamasahe. Ayokong mag-diet para makaipon. MAAAAAA T_T”
“Ay nako nak. Kung gusto mo talaga, mag-ipon ka. Hindi dapat palaging hingi. At wag na wag mong ilalagay yan sa credit card mo malilintikan ka sa’kin”
“Ouch. Yun pa man din balak ko” HAHAHAHAHAHA Talaga naman XD. Pero asfghjk. Kung kailangang manlimos ako para sa concert
MEDYO Mayaman naman kasi kami. Kaya lang, practical much ang aking mga magulang at syempre ako. Ilang ice cream at cake na din yun. Hayyyy.
“Oi Nak~ Good News. Diba paborito mo yung EXO” –Papa
“Yes Pa. Bakit? Inaya na ba akong magpakasal? Alam ko na yun”
“ Ewan ko sayo baliw. Pero eto na talaga. Diba ka-business naman natin yung company nila, alam ng president nun na may anak akong mahilig sa EXO kaya nagtanong siya kung willing ka ba daw magtrabaho sa company nila at sa EXO”
“POOO?! Tinatanong pa ba yan? Opkors ermergherd.” Leche. This is it. May nagawa rin ang koneksyon ng pamilya ko HUHUHUHUHUHUHU IKAKASAL NA AKO TEKA LANG.
“tatawagan ko nlang mamaya. Pero sigurado ka na ba talaga? Aalis ka sa Pilipinas at dun ka titira. Kakayanin mo ba? Hindi naman sa ayaw kong umalis ka at i-pursue yang mga pangarap mo. Pero ibang usapan na kasi to. Trabaho na to nak. Nakasalalay na dito yung kinabukasan mo. Be matured enough na at wag kang magfangirl lang doon”
Napaisip ako dun. Kaya ko ba? Wala namn sigurong masama mag-try no. Kaya ko toh. Malay mo Janitor lang pala sa company HAHAHAHA
“Pagiisipan ko pa po pala Pa. Pero ano bang trabaho ko dun? Wag mong sabhing janitor nako Pa. “
“Manager ka ng EXO”
