Night 1

0 1 0
                                    

Kairea POV


*5 years later

"Kristoffe! Kailangan natin ayusin ang business! Ano ba?! Di kana ba siseryoso?!" sigaw ni Mommy kay Daddy. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako.

"Ano ba?! Wala na tayong magagawa jan sa pesteng business nayan?! Yelena, wala na. Ninakaw na nila lahat!" halos tumalon ako sa gulat ng  may nabasag na bagay.

Tumakbo ako papunta sa kwarto para di ko na marinig ang pag aaway nila.

Hindi ko alam kung bakit naging ganyan sila Mommy. Halos araw-araw na silang nag aaway. Hindi ko sila maawat dahil narin sa takot ako, takot ako na baka sigawan rin nila ako. Wala ng time sila Mommy sakin. Hindi na kami tulad ng dati na naglalaro pa, sabay sabay kumakain, masasayang nagsasama. Di na mangyayari yun. Hindi na.

Nagkulong ako sa kwarto, wala akong kasama. Ang tahimik. Tulala lang ako buong araw.

Naisipan kong lumabas at tingnan kung ano na nangyayari. Nagtaka ako dahil sobrang tahimik, hindi tulad ng dati na nagsisigawan kami dahil sa saya. Pumunta ako sa sala kung saan nag away sila Mommy.

Ang daming basag na bagay. Pero na tulala ako sa nakita ko, halos gumuho ang mundo ko sa nabasag na bagay. Ang mga litrato naming buong pamilya. Lahat basag, ang natira nalang ay ang picture ko na nag iisa.

Tuloy tuloy ang buhos ng aking luha. Napaupo ako sa panghihina. Sa murang edad ko palang nararanasan ko na ang ganito. Pinulot ko ang mga basag na frame at niligpit picture namin. Nilinis ko lahat ng kalat. Wala na kaming kasambahay dahil lumayas na, di na kasi nasiswelduhan ng maayos.

Nasa kusina ako, kumakain mag isa. Wala sila Mommy. Mag isa lang ako ngayon. Cereal ang kinakain ko kahit gusto ko ay kanin. Di ako marunong magluto, kaya ito tinitiis ang cereal.

Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa kwarto. Gusto ko ng makausap si Cyler, gusto kong may kasama ngayon. Kaso mamaya pa siya dadating.  Natulog ako ng maaga dahil sa pagod siguro at para gisingin nalang ako ni Cyler pag dumating siya. Siya lang nagpapagaan ng pakiramdam ko, simula nung nag aaway sila Mommy, si Cyler nalang ang kausap ko.

"Rea? Gising." narinig ko lang boses Cyler gumising agad ako. "Ang bilis magising ah.." pang aasar niya.

Niyakap ko siya at humagulgol  sa iyak. Di ko na kayang itago eh. Iyakin talaga ako pag dating kay Cyler. Nilalabas ko lahat ng nararamdaman ko pag kasama ko siya.

"Nag away na naman sila?" tanong niya habang hinihimas himas ang aking buhok. Di ako sumagot. Alam naman niya pag umiiyak ako dahil yun kila Mommy.

"Maglaro nalang tayo?" nakangiti niyang sabi. Tumango nalang ako. Palagi namin 'tong ginagawa. Gabi gabi nga lang. Kasi gabi siya pwede, bawal daw kasi siya sa umaga baka daw umitim siya. Sobrang puti niya na nga eh, halos ni walang makikitang itim sa kutis niya.

'Pano na kung wala ka Cyler. Pano na ako? Ganito parin kaya ako? Siguro hindi. Hindi ako ganito kung wala ka bestfriend.. '

End

Night SkyWhere stories live. Discover now