Night 2

0 1 0
                                    

Kairea POV

*5 years later

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY.. HAPPY BIRTHDAY.. HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUU! " nagtawan kami ni Cyler dahil sa boses niya. Di naman sa pangit, masyado lang talagang pilit.

"Oh wag ka ng malungkot ah, nag effort pa akong kumanta para sayo." sabi ni Cyler sabay gulo ng buhok ko. Napangiti ako dahil sa effort niya. Siya lang ang bumati sakin. Sanay narin naman akong wala na sila Mommy kapag birthday ko, simula pa nung nag ka problema sila sa business nayan. Tsk!

"Oh wala bang handa?" ani Cyler.

"Ahh... meron! Wait lang!" kumaripas akong tumakbo papunta sa kusina para kunin ang cake ko. I mean cup cake.

Bumalik na ako sa kwarto na maingat ang paglalakad.

"Wow may... ano yan? " takang tanong ni Cyler.

"Ahmm cup cake?" sagot ko.

"Anong klaseng cup cake?"

"Wattatops.." nanlulumong sabi ko.

"Pfft! " nagpipigil niyang tawa. Ngayon ko lang na realize na kakaiba pala yung cake ko. Dati kasi halos magkasing laki na nung cake ko yung sanggol. Tapos ngayon... hays!

"Sige hipan mo na yan." seryosong sabi ni Cyler.
Hihipan na nasa yung kandila kaso pinigilan ako ni Cyler. "Wait, ano wish mo?" sabi niya habang ang kamay niya ay nakaharang sa bibig ko. "Ano ka chiks? Syempre sakin na yun. " pang aasar kong sabi.

"Psh!" halatang nadismaya siya, pero di ko pwedeng sabihin. Hindi ko kasi ma-feel yung sasabihin ko pag hindi sa isip ko. Whatever!

Pinikit ko muna ang mga mata ko bago hinipan yung kandila. Dalawang cup cake lang yung kinain namin. 16 years old na ako, pero feeling ko kailangan ko na maging independent sa buhay, nahihirapan na ako lalo na pag di ko sila nakikita,  ni anino nila di ko na makita. Pag tulog ako, nasa bahay sila. Pag gising ako, wala sila.

"Kailan ka pala mag eenroll?" tanong niya habang tinatanggalan yung ngipin niya nung natirang chocolate. Natatawa ako kasi di niya matanggal yung chocolate. Pano ba naman kasi yung mga daliri niya parang wala ng pang kamot hahahaha! Yung kuko kasi halos naka baon na sa daliri hahahaha!

"Hahahaha! Bukas na. Pfft! " sagot ko na nagpipigil ng tawa. "Hoy bat ka tumatawa?" nanduduro niyang sabi. Di ko nalang siya pinansin. Tumayo na ako at nag lakad patungo sa kusina, kumuha ako ng tubig at ininom ito. Dinalhan ko na rin si Cyler.

"Thanks!" sabi niya. Humiga na ako dahil nakaramdam na ako ng antok. "Ahmm... Cyler, thank you ah. Thank you sa lahat." nakangiting ani ko.

"Wala yun basta ikaw." ani niya. "Rea, wag mong papabayaan ang sarili mo ah. Wag kang magpapagutom, tsaka wag kang palaging malungkot sige ka papangit ka lalo." hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. Makalait wagas kala mo ka-gwapohan. "Hehe joke lang. Alam mo ba Rea, simula nung pumasok ako sa kwarto mo naisip ko na ang swerte mo. Kasi sobrang mahal ka ng mga magulang mo, binigyan ka ng sariling kwarto, halos na sa sayo na lahat. Nakakainggit pero nakaka pang hinayang... " nanlulumong niyang sabi. Hindi ko alam kung anong dahilan bat niya sinabi to. Nyare? "Bat naman?" wala sa sariling tanong ko. "Nakakainggit kasi na sa sayo na ang lahat, kaso nakaka pang hinayang kasi may kulang..." Alam ko ang ibig sabihin niya, nakakalungkot lang isipin na pati siya naapektuhan. "Pero kahit na yung mga kulang nayun, mahalin mo parin. Kasi kahit na nagkulang sila, sila parin ang dahilan kaya nasa sayo na ang lahat." nabuhayan ako sa sinabi niya. 

Ang swerte ko kasi may kaibigan akong tulad niya, nakakaintindi sayo lalong lalo na hindi nang iiwan at pinagkakatiwalaan. Sobraaaang saaayaaa ko ngayon. 'Sana Cyler, habang buhay kang nasa tabi ko.'

Night SkyWhere stories live. Discover now