Kairea POV
"Babe? Baby? Babe'by?"
Ingayyyy!!
"Wooooy!"
"Aaanoo baa?!!" nakakainis alam ng natutulog yung tao. Ginulo ko ang buhok ko para mapansin niya na naiinis na ako.
"May sasabihin ako sayo. Wag kang magugulat ah?!" natatawang sabi niya na nakahawak sa magkabilang balikat ko. "Diba pwedeng ipagpa bukas yan at kailangan mo pa talaga akong istorbohin sa mahimbing kong tulog? " humiga ulit ako at nagtaklob ng kumot.
"Oh sige. Bukas nalang. Alis na ako, bye." napaupo ako sa sinabi niya. Akma na siyang tatayo kaya hinila ko agad ang laylayan ng damit nya. Feeling ko kasi nalungkot sya.
"Joke lang! Ito naman." biro kong sabi.
Ngumiti siya ng abot tenga sabay upo sa tabi ko. "Ano ba kasi yon?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim na parang kinakabahan. Nagtaka naman ako sa kilos niya.
"Aahmm..."pambibitin niya. Di nalang ako umimik para ipagpatuloy niya ang sasabihin niya. "Alis tayo?" ani niya. Wow! May balak pa siyang umalis sa oras na'to ah. "Wait! Aalis? Himala! Hahahaha!" humagalpak ako sa tawa. Hahaha, pano ba naman kasi ngayon lang siya nag imbita sakin na umalis. As in ngayon lang!
"Tara na!" hinila niya ako palabas ng kwarto, patungo kami sa... kusina?
"Cyler bat nandito tayo sa kusina? Kala ko ba aalis tayo?" takang tanong ko, habang siya naman kinakalkal ang ref. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Ang weird niya talaga ngayon.
"Saglit lang, kukuha lang ako ng pagkain. Nagugutom ako."sambit niya na may kinakain na sandwich. Sa isang sandwich isang kain lang, kaya mukha siyang baboy kasi yung pisngi niya ang laki pag nilalamon niya lahat. Hahaha!
"Ayokong tinititigan ako, Kairea."natatawang sabi niya. Napayuko ako sa hiya, ang init ng buong mukha ko. Bat ganon? Di naman ako nilalagnat ah?
Nanatili lang akong nakayuko at hindi umiimik.
"Bat ka namumula?" tanong niya.
Hindi ko nalang ito pinansin, umalis ako sa kusina at dumiretso sa kwarto.
"San ka pupunta?" habol niya sakin na may dala dalang tubig. Buti naman tapos na siyang kumain.
"Magbibihis lang ako." sabi ko na nakaturo sa kwarto ko. Tumango lang siya bilang tugon.
Pagpasok ko sa kwarto sinarado ko agad ang pinto at sumandal dito. Huminga ako ng malalim sabay ngiti ng pilit...
Nakakahiya yung nangyari kanina. Ano kaya yung mukha ko nung nakatitig ako sa kaniya? Bat ako namula? At bat ako nahihiya?!! Waaaaa!
"Rea? Tapos kana? Anong oras na oh, baka magsarado na yung pupuntahan natin." ani niya. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Naiinis ako sa sarili ko. Di ko alam kung bakit. Ewan!
"Malapit na. Wait!" sigaw ko.
"Sige."sabi niya.
Nagbihis ako ng komportableng damit. Di ko naman kasi alam kung san kami pupunta eh. Kaya nag jeans lang ako at nag T-shirt.
Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako sa kwarto. Hindi ko nakita si Cyler sa harap ng kwarto ko. Kaya pumunta ako sa kusina na nag babakasakaling nandun siya. At hindi nga ako nagkakamali, nakaupo siya sa lamesa habang umiinom ng juice.
"Tara na." aya niya.
Napahinto ako ng may naalala. Yung wallet ko!
Kinapkap ko ang bawat bulsa ng jeans ko. Nang may nakapkap ako sa likod ng bulsa nito, nakahinga ako ng maluwag.
YOU ARE READING
Night Sky
FanfictionSi Kairea ay isang masayahing binibini. Pero pano kung may makikilala siyang isang lalaking hindi niya lubusang kilala. At pano kung ang dating masayahin na binibini ay mapapalitan ng lungkot.