Dark Seduction Series #3- Silence
©ElleNerdGirl 2021Chapter Fourteen
•••••••••••••••••••••
Allison's POV
"SINO?" taka kong tanong ni Bob at ngumisi naman ito bilang sagot at tumingin sa kanyang phone. Hindi ko akalain na ang peligro na sinangkutan ko ay nasa pugad ko pala. I didn't expect that the witch was just by my side.
"I don't want you to get mad at me, but I think you already know who is the culprit behind it," he smirked and pressed something on his phone. "One ring, and it will answer." He added.
"Hello?"
Hindi ko makapaniwala sa aking nadinig. Tumingin ako kay Nath habang tinakip ang aking bibig. Si Nathaniel naman ay nakatulala pero nanglalaki ang mga mata.
"Hello?! Sino ba ito?!"
Tumingin naman si Damien kay Bob at tumango. "Baby, how are you?" sabi ni Bob at narinig namin ang isang singhap sa kabilang linya.
"This is not happening." Bulong ko sa sarili at hinawakan ang kamay ni Nath na hinalikan din ako sa noo.
"I got you, Nina." Sabi ni Bob at narinig namin ang isang malaking pagsabog sa kabilang linya. Anong nangyari?
Binaba ni Bob ang kanyang phone at ngumisi sa amin. "Get your ass up! We are going to have fun later."
-----------
Dumating kami sa aking café pagkatapos namin pinagplanuhan ang amin paglusob. Nakita ko ang malaking usok sa likod ng café kaya dali-dali kami lumabas at pumunta sa likod. Nakita din naming yung miyembro ng gang nila Nath na pumasok sa café para tulungan ang mga mahal kong customer. God. Please help me.
"I need your eyes fix to the target." Sabi ni Damien kaya kinaskas nila yung baril at ako naman ay hinawakan ang dagger na binigay ni Lysander sa akin. Binigay ko kasi yung baril ko ni Nathaniel at sabi niya gusto niya raw yun gamitin kaya ayun ginamit niya talaga ngayon.
"Sa likod ka lang, Aly." Rinig kong sabi ni Nathaniel kaya napalingon ako sa kanya.
"At bakit naman? Gusto kong lumaban! May ahas sa café ko!" giit kong sabi sa kanya pero narinig ko nalang sa kanya ay isang mahinang tawa. Lumaki ang aking mata. Asshole!
Nakita namin ang mga lalaking naka takip yung mga mukha nila na kulay itim maliban sa mga mata nito. Sila yung bumaril noong araw na 'yun. Sila ba yung kalaban?
Nang makita nila kami ay nagsimula na sila bumaril sa amin kaya napatago kami sa pader. Si Alyanna at si Kendra naman ay ngumisi lang at kinaskas ang kanilang baril. Parang nabubuhay na sila ng ganito. Ang cool nila.
"Go! Go! Go!" sigaw ni Kristoff kaya tumakbo kami at binaril yung lumapit sa amin. Ako naman ay tinapon ang dagger sa isang lalaki na lumapit sa akin kaya nakahandusay na ito sa lupa.
"Good job, baby." Rinig kong sabi ni Nathaniel kaya napatingin ako sa kanya. Kumindat siya sa'kin at nagpatuloy sa pagbaril sa mga nakaitim na mga lalaki. Bakit ang dumadami yata nila?
"I hate to stop this event but I think you should know that this time, I will kill you." Isang familiar na boses ang nagsalita sa likod ko.
Tumingin ako at hinawakan ang dagger ng mahigpit na kinuha ko kanina sa napatay kong kalaban.
"I think we need some introductions, shall we?" she smirked.
"Wag na! dahil kilala na kita, Nina."
..
.
.
Nathaniel's POV
"Damien! Sa likod mo!" rinig kong sabi ni Kristoff kaya napatingin ako sa leader namin at binaril ko yung lalaking ibabaril sana niya sa likod nito."Thanks." Sabi ni Damien sa akin kaya napatango ako. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na naglalaban pa rin.
Lumapit sa akin si Edward at bumulong. "I need you to keep those people in the café away from this place right now!" sabi niya kaya dali-dali akong pumunta sa loob ng café at tinulungan ang amin kasabwat doon sa loob.
"Sir! May nasugatan kanina dahil binaril ito ng babaeng naka salamin." Sabi ng miyembro namin at itinikom ko ang aking kamay.
"Takte! Mapapatay ko talaga yung Nina na 'yun!" sabi ko at lumabas sa café para hanapin ang babaeng nagsimula ng gulong ito.
"Nathaniel!" rinig kong tawag ni Kendra sa akin.
"Tumawag ka ng pulis para mahuli itong mga halimaw na ito. Hindi sila nauubos at napapagod na din kami. Yung baril din namin ay mauubos na," sabi niya habang hinihinga. Hangang-hanga ako sa mga asawa ng mga kaibigan ko kahit anong mangyari ay lalaban sila kahit patayan pa ito.
"I'll be right back," sabi ko at kinuha ang telepono ko sa kotse. Tinawagan ko ang isang kaibigan ko na pulis at wala pang isang tunog ay sinagot niya ito.
"I need backup. Blank café near at Apple Village. Urgent!" sabi ko at pinutol ang linya at tumakbo pabalik sa lugar ng putukan.
"Takte! Bakit hindi sila nauubos?!" Pumaswit ako sabay baril sa mga kalaban. Hinanap ko si Allison at nakita ko na wala siya dito kaya nataranta ako.
"Nasaan si Allison?" tumakbo ako kay Bob para tanungin kung nasaan ang mahal ko.
"Aba malay ko ba! Ikaw yung boyfriend niya. " sigaw nito habang sinuntok niya yung lumalapit sa amin. Naubosan na yata sila ng bala.
"F*ck! This not happening!" bulong ko sa sarili at hinanap si Allison. Sinuntok ko naman yung mga lumalapit sa akin at nagpatuloy sa paghahanap.
"HAYOP KA! TULONG!" rinig kong sigaw ni Allison kaya napalingon ako sa pinagmulan nito.
"Aly!" bulong ko at nakita ko siya na hinawakan ni Nina sa leeg habang sinakay niya nito sa kotse. Nagsimula akong tumakbo papunta sa kanya ng bigla akong nadapa at isang tunog ng baril ang narinig ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dark Seduction Series#3: Silence (COMPLETED)
Action"𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐬𝐮𝐢𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐚𝐠𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐨𝐫 𝐩𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐚𝐫𝐞 𝐧𝐨𝐭 𝐨𝐩𝐞𝐧-𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐝." Highest # 2 - Romance Highest # 1 - Nathaniel Highest # 17- Action "Stop comparing me to someone else, vi...