Entry D

8 0 0
                                    

Andito na naman ako ulit sa condo ng boyfriend ko. Well actually dalawang araw na ang nakalipas nung sinabihan ako ng boyfie ko na 'dumb' daw ako.

Actually nung the day before yesterday, kinukulit ko na naman si Sebby baby. Nasa condo niya lang kami, pinapakialaman ko yung TV niya. Kasi naman sa condo ni ate Diane walang cable yung TV.

Buong araw akong nanood ng TV. Tapos hindi niya sana ako papapasukin buti nalang may pagka-ninja ako.

Umuwi lang naman ako pagkagabi.

Kahapon naman wala si Seb sa condo niya kaya nagpunta naman ako ng Colon para mamalengke sana. At kung sinuswerte ka nga naman eh nagkasabay kami sa taxi. Kaya imbes na mamalengke eh sumama ako sa kanya.

Galit nga yun kasi hindi umiimik. Nagbowling siya sa may SM Seaside tapos ako bilang supportive na gf nag-chi-cheer ako sa kanya pero naiinis naman ako kasi na bored ako kasi naman gusto ko dun sa ice-skating.

Hinila ko naman siya papunta dun pero nagalit siya at iniwan ako dun pero syempre sinusundan ko pa rin siya.

Hanggang nakapunta kami sa may mountain view garden sa SM Seaside tapos yun parang nagustuhan ko yung playground at naglaro ako tapos nung una tinitignan ko siya baka kasi iwanan niya ako dun.

Pero maya-maya nung na-carried away na ako masyado sa paglalaro di ko na napansin na umalis na pala ang ogag.

In the end ako mag-isa ang umuwi.

At ngayon kinukulit ko siya kasi may pa effect ako nung iniwan niya ako kahapon.

"Sebby!!! Take me to the beach." Sabi ko. Actually minsan naiisip ko na bakit ba sobra-sobra na ako. Well, mukhang fini-feel ko na talaga ang pagiging gf niya. Ewan ko rin bakit ako nag-eeffort. Basta ang nasa isip ko lang dapat mainis ko siya. Mukhang naaaliw na kasi talaga ako.

"Tss" sabi niya. Nagpout naman ako at humiga sa may sofa sa tabi niya. Bigla ko namang naisip si Mac. Hala saan kaya siya mag-school? Namimiss ko na talaga si Supercrush kahit wala siyang pakialam sa akin.

"Kilala mo yung si Sebastian?" Tanong ko. Natatawa naman ako bigla sa naisip ko.

"Tss..." sabi niya. Kung di niya lang talaga magets yung joke na to siya na talaga ang pinaka alien na tao na nakilala ko.

"Si Sebastian yung crab na friend ni Ariel." Alam kong waley yung joke ko pero sana naman wala namang insultuhan. Di kasi siya tumawa.

Sina Vida at Marga kapag nagjo-joke ako ng ganito eh tumatawa sila kahit fake eh. Pero atleast sinuportahan ako sa humor ko ha.

"Under the sea ~ Under the sea~" pakanta kanta pa ako. Nakakatawa kasi yung mukha niya parang naiinis na parang ewan.

Pasalamat nga siya kinantahan ko pa siya. Mahal kaya tong boses ko. He sighed heavily. Ang gwapo talaga ni Seb. Pero kung gaano siya kagwapo ganun din ka sungit.

Pasalamat nga siya at pinatulan ko siya---I mean tini-trip ko siya.

Maya-maya may naisip ulit akong joke.

"Huy" sabi ko at tinapik si Seb. He sighed heavily. Mukhang inis na inis na siya eh. Bahala nga siya. "Huy" tapik ko ulit pero this time tumayo na siya.

He faced me, "out" he said tsaka tinuro niya yung pintuan. Psh.

I raised my eyebrows, "Gago ka din." Sabi ko ang pretended to be mad. Akala niya ha.

"I said, out." Akala niya madadala ako sa mga ganyan-ganyan niya. Hmm... Sebastian Jeremiah Avery di mo ako matatakot. Akala nimo dong!

Ipinikit ko nga ang mga mata ko. Matutulog na nga lang ako. Mag-iisip na muna ako ulit ng mga pang-asar words ko sa kanya. Hahahaha

That Stupid Sebastian SwichtzerbertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon