May pa 'go home' pa siya ha. Hmm... Alam na alam ko kung ano ang ginagawa nila dun, akala nila ha.
"Mau, pumasok ka dun, alam mo na naman din yung password ng condo niya." Sabi ni Marga. Psh.
"Ayaw ko nga! Baka may madatnan pa akong kababalaghan." Sabi ko tsaka nilantakan ang carbonara na niluto ni Vida.
"Marga." Vida warned. Ayaw din kasi ni Vida na idinidikit ko ang sarili ko sa incest na yun. Wala na naman din kasing patutunguhan ang lahat na to, maliban nalang sa panandaliang saya na dulot ng panti-trip. Nagustuhan din ni Vida at Marga yung ginawa ko kay Michelle. Nakokonsensya nga ako eh, pero ika nga nila, you cannot take back your words.
"Vida, alam mo, di naman to lahat panti-trip lang. Ang gusto ko lang kasi since alam na natin yung mga pinanggagawa nila, kumilos nalang tayo. Baka hahantong pa na magkaalaman tapos madamay si Maureen." Sabi ni Marga at ininom yung apple juice in can na hawak-hawak niya.
"Yun na nga eh, kaya nga as much as possible, we should not meddle." Sabi niya at inirapan si Marga.
"Duh can't you see? Nung sa mall palang---yung pinakaunang pagkikita palang natin sa mga Swichtzerberts---kasali na tayo sa gulo ng Seb na yun." Sabi ni Marga.
Ewan ko rin kung bakit kailangan pang pagtalunan ang mga pangyayari kay Seb at tsaka sa akin.
Vida sighed. "Hali kayo!" Sabi niya at nauna ng lumabas sa pinto. Nagkatinginan naman kami ni Marga. Di namin mabasa-basa ang nasa utak ni Vida.
Agad agad kasi ang mga decision niya. Very impulsive!
Sumunod naman kami ni Marga at nakita namin na nasa may pintuan nina Seb si Vida. Ano na naman kayang iniisip ng bubwit na to? She signed us to go with her.
Nagkibit balikat nalang kami ni Marga kasi di naman namin alam ang plano niya.
Agad siyang nagdoorbell ng sunod-sunod. "Hoy ano ba yang ginagawa mo?" Takang tanong ni Marga. Parang may umihip na masamang espirito sa katawan ni Vida kaya nanginginig na yung lalamunan ko.
Paano kaya kung---aish! Kainis naman tong si Vida.
Maya-maya pinagbuksan ni Seb ang pinto. He looks---messy... Nagsmile si Vida kaya napasmile na din kami ni Marga.
"Hey Sebastian, since you have been a very good boyfriend to my bestfriend. Naisip ko na mag dinner with you. No rush ipagluluto ko kayo." Sabi niya at nagsmile. Napasigh naman ako kasi akala ko ano na ang sasabihin niya.
Tiningnan naman ako ni Seb. Damn it! Bakit sobrang gwapo niya.
"Come in." Sabi niya tsaka ibinuka ang pinto. He is just wearing boxers. Damn it. Agad naman siyang pumasok sa room niya.
Nag-antay lang kami ni Marga sa may sofa tsaka si Vida naman dire-diretso lang sa kitchen. Halos nahiya ang mga laway namin ni Marga kasi halos hindi kami nag-iimikan.
Patuloy lang kami sa patingin-tingin.
Maya-maya lumabas si Michelle mula sa CR. Hmmm... she seems so shock nung makita niya kami kaya nagsmile ako sa kanya. Nung makabawi siya nagsmile din siya at pumasok sa guest room.
She is just wearing her towel. Kaya naisip ko na, nagse-sex na kaya sila?
Alam ko rin na yun ang iniisip ni Marga kaya kinausap ko na siya. Damang-dama ko talaga ang tension dito. Psh.
"Marg, three weeks na pala tayo dito no? Next week aalis na pala tayo." Sabi ko. Atlast matatapos na talaga to!
"Yeah, anyway may alternative ka ba sakaling di ka pumasa sa Velez?" Tanong ni Marga. Lumabas naman si Seb mula sa kwarto niya

BINABASA MO ANG
That Stupid Sebastian Swichtzerbert
Teen FictionMau is a fresh grad of senior high school. Kailangan niyang pumunta malayo sa family niya para maabot ang kanyang mga pangarap. Marami siyang mga characteristics; maingay, child-ish, maldita, at mareklamo siya. Isa na rin sa package niya ang pagigin...