Entry C

8 0 0
                                    

Kinukulit ko lang si Seb sa babe thingy. Gusto ko siyang mainis para makabawi ako sa pamamaga ng kamay ko.

Naglakad siya papunta sa may condo building namin. Mamaya ko na bibilihin ang pinapabili sa akin ni Marga.

"Sebby!!! Yan ba ang gusto mong itawag ko sayo?" Sabi ko at ngumingisi pa.

"Hoy dapat thankful ka kasi ang ganda ko na ngang tao tapos pinapansin pa kita..." sabi ko at tumawa. Parang ewan lang ang change of mood ko. Tapos di naman ako pinapansin ng kausap ko.

"Good Afternoon Mr. Swichtzerbert!" Sabi nung babae sa lobby at nagpapacute kay Seb.

"Hoy, andito girlfriend niya sa harapan!" Suway ko sa kanya. Not that affected ako ha pero hiyang-hiya naman ako sa mga babaeng kulang nalang ilapag ang sarili na nakahubad.

Pumasok siya sa elevator at agad akong humabol.

"Oy, dapat i-date mo ako ha. Pakilala mo ako sa daddy mo another time!" Sabi ko at ngumiti pero di man lang siya umimik.

"Hoy pipi ka ba?"

"Tss" hindi pala eh bakit hindi nagsasalita? Gago din to eh. Pero bahala na kukulitin ko siya hanggang sa magalit siya.

Nasa 7th floor yung floor niya. Ayos din kasi magkafloor lang kami. Mamatay siya sa inis!

"Oy alam mo ba, mabait yung mommy mo. Nalibre pa ako ng lunch." I said and laughed wickedly.

Lumabas na siya ng elevator at palakad-lakad lang. Maya-maya huminto siya bigla kaya napasubsob ako sa likuran niya.

"Aray!!" Sabi ko kaya tiningnan ko siya para sana bulyawan pero may iba siyang tinitignan.

Pagkatingin ko isang babae na may kahalikan na lalaki. Tiningnan ko ulit si Seb. Gusto kong matawa pero pinigilan ko talaga.

Mukhang nagseselos siya. Hala!!! Di kaya ex niya yung babae? Or maybe he secretly loves her? Parang ganun ang peg.

Napatigil yung naghahalikan kaya napatingin ang babae sa amin. Yung kanina'y parang ang horny niya pero ngayon napalitan ito ng kaba.

Agad namang naglakad si Seb sa kanila pero nafi-feel ko yung tensiyon na namamagitan sa kanila.

Pwera na lang sa masamang tingin na ipinupukol nung babae sa akin. Hmm... mukhang ex niya yata to!

Ganito kasi yung mga mukha ng ex sa mga movies. Parang ready na pumatay.

"Sebby-baby. Bilisan na natin." Sabi ko at hinila-hila siya papunta sa may pinakadulo. Pero hindi siya pumalag and he just faced the girl.

He is emotionless. Mukhang nagagalit siya na mukhang nagseselos.

"You are blocking my way." Diin na sabi ni Sebby. Hala nahiya naman ako dun. Dito pala sa kinatatayuan ng haliparot na to ang condo ni Seb.

Nagtinginan sila at para bang nagsusukatan ng tingin.

"Hey Michelle, let us go." Sabi nung lalaki. Kaya naman natinag sila.

"Oh I am sorry." Sabi nung Michelle at nagpatangay na sa lalaking kasama niya.

Maya-maya matapos kong i-process ang mga pangyayari nagsalita ako muli.

"Hmmm... ex mo yun? Infairness maganda siya ha---sexy---pero mukhang........maldita."sabi ko pero hindi siya nagsalita at nakatingin lamang sa pinto sa may harapan niya.

"Geh na pumasok na tayo sa kwarto mo." Sabi ko pero mukhang wala pa rin siyang narinig.

I rolled my eyes upon his motionless reaction.

That Stupid Sebastian SwichtzerbertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon