Chapter 1

124 7 0
                                    

"Go, Hugo!"

Halos mapatalon ako nang marinig ang mga kaibigan na sumisigaw. From my sketchpad, I looked at the field and saw Hugo half running while looking at us. Nakipalakpak ako kahit hindi nakita kung nakapuntos ba o ano. He even blew a kiss and winked at our direction. I heard the girls behind us squeal.

"As if naman para sa kanila 'yon." Rinig kong bulong ni Steph sa aking tabi. Binalingan ko siya agad at nginisian. Si Hayel ay tatawa-tawa na sa kanyang tabi.

"Kapag ikaw sinugod ng mga 'yan, hahayaan ko lang." Tawa nito. Nang balingan ko ang mga babae ay napapabuntong hininga sila habang pinagmamasdan ang pagtawa ni Hayel.

"As if they can touch me." Napailing na lang ako sa pagtataray nito. She even flipped her hair then turned to me.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko kaya napatingin na din ako doon. Halos mapangiwi ako nang makita kung ano na naman ang naguhit ko. It's a set of eyes so dark and brooding. They are deep pool of darkness but blue. Parang ang malawak na karagatan. Napabuntong hininga ako't itinago na lang iyon.

I kept on sketching the same thing because that's the only thing I remember from that man in the forest.

"Baka naman naengkanto ka na sa kakapitas mo ng bulaklak ha." Sinimangutan ko si Hayel.

Naikwento ko sa kanila kaninang lunch break ang nangyari sa akin noong Sabado. They just laughed at me because I ran away and I can't even describe the man besides those set of dark blue eyes. Si Hugo lang ang hindi ako pinagtawanan. They even said that I must be dreaming or hallucinating. Naisip din nila na baka daw bandido 'yon o sindikato dahil hindi pa nga fully developed ang bandang iyon ng mga lupain dito sa Tierra Hermosa. At ngayon ay naengkanto naman!

"Ewan ko sa inyo." I said. Nagtawanan lang ang dalawa sa aking tabi. Ako naman ay pumalumbaba at ibinalik na ang tingin sa field kung saan may practice game ang soccer team ng school.

"Hi." Mula sa field ay napabaling ako sa aming likuran. May dalawang lalaki galing sa kabilang section ang palapit ngayon sa inuupuan namin. Agad na umayos si Steph at Hayel sa aking tabi.

"Hi." Ngiti ko nang kumaway sa akin ang isa. I know them by their faces but I don't exactly know who they are. Ang alam ko, ang isa sa kanila ay apo ng isang councilor.

Hinintay namin silang makalapit. Ang isa sa kanila ay ngiting ngiti kay Steph na tinaasan lang naman nito ng kilay.

"The game looks pretty good. Can we join you here?" The councilor's grandson directed at me. Napatingin ako kay Steph at Hayel. Steph shrugged while Hayel looked the other way.

"Sure!" Tango ko naman.

"No need, Valdez." I heard Hugo's voice. Lumingon ako sa kanya na naglalakad na palapit sa amin. Matalim agad ang pinupukol na tingin sa mga lalaki sa aming tabi. "We're leaving anyway."

Mabilis itong nakalapit sa amin. Joax was beside him, his hands inside his pockets, with a silly grin on his face. Pareho silang pawisan pero parang hindi man lang hinihingal. Narinig ko na naman ang impit na kilig ng mga babae sa paligid namin.

"I see..." Kaswal na tumayo ng maayos ang tinawag na Valdez ni Hugo bago ngumiti sa akin. "Sa susunod na lang... Clea."

"Oh. Okay." I smiled back. He waved before they left us. Hinarap ko naman agad si Hugo. "Tapos na kayo?"

Kunot noo ako nitong tinitigan. He looks pissed.

"That guy is trying to hit on you." Natawa ako.

"He's not." I answered. I took his towel inside his gym bag and handed it to him. Tinanggap naman niya 'yon at agad na pinunasan ang buhok na basang basa sa pawis.

Betraying HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon