Chapter 12

49 6 7
                                    

It was so awkward after that. Or maybe it's just me because he started eating casually after what he said.

Ako naman ay hindi iyon maalis sa aking isip hanggang sa kasama ko na si Papa. Rios still took me to where my father was. Iyon nga lang ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Umalis din naman agad siya dahil may aasikasuhin daw kasama ang kanyang mga kapatid sa kabilang dako ng kanilang lupain.

If you actually think about it, it's better if he's not there. Iyon naman ang gusto ko noon, ang umiwas talaga sa kanya. I don't know what's happening to me and why I am bothered.

Dapat ay hindi.

"Nainip ka ba?" Lumingon ako kay Papa nang magsalita siya. Kakasakay lang namin sa sasakyan at pauwi na.

"Hindi naman po," sagot ko dito habang inilalagay ang aking seatbelt.

Wala naman akong ginawa kundi ang sumunod sa kanila habang pinag-uusapan ang tungkol sa pamamahala sa hacienda at iba pang bagay na tungkol doon.

Nakikinig lamang ako o paminsan-minsa'y inaabala ang sarili sa pagtingin sa kanilang mga makinarya na nandoon sa loob ng factory.

Ang main business ng mga Dallesandro ang sa food industry. They are a distributor of fresh produce and processed goods in different supermarkets in the whole country. The Dalle Foods Inc. is well known for that. Iba't ibang canned products din ang kanilang dinidistribute and I think they are also exporting their products overseas already.

Isa lang ang factory nila dito at iyon ay ang para sa mga fresh produce nila. Ang mga warehouse ay malapit lang din dito na nadaanan namin kanina. Their main factories and warehouses are all in Manila if I'm not mistaken. Nandoon din ang kanilang main office. Ang dinig ko meron din sila sa Bataan at Batangas na para naman sa kanilang seafoods at sa ibang parte pa ng bansa.

Hindi magkalaban ang aming negosyo dahil magkaiba ng mga produkto. Sa totoo lang ay wala akong interes sa pagpapatakbo ng aming lupain. Maging si Avi ay ganoon din. I just love living here but I don't see myself actually handling our business.

"Bilib ako sa magkakapatid na iyon," sabi ni Papa pagkalabas namin sa gate ng mga Dallesandro. Napalingon ako sa kanya mula sa pagtanaw sa labas ng bintana. "Ang babata pa pero sobrang maalam na. Kitang kita ko rin ang kagustuhan nila na pamahalaan ang kanilang negosyo. Sa tingin ko nga'y pwede na magretiro ng mas maaga ang kanilang ama. Si Señor naman ay dapat noon pa nagretiro't may mga tagapagmana naman pala."

I bit my lower lip as I watch my father talk about them. Kinwento niya kung paano siya napamangha ng magkakapatid lalo na ng panganay kanina nang magkakasama sila. I only listened to him while he showered Rios with praises.

"Napakatalino!" He blurted out. Sa pagdaldal ni Papa ay nalaman kong natapos na ni Rios ang kanyang bachelors sa agrikultura at may masters degree na rin sa business parehong sa Amerika. "Ni wala akong ideya sa mga ibang sinabi nito kahit na halos buong buhay ko ay ito ang trabaho ko!"

Wow... he's that competent, huh. To get high praises from my old man.

"Sigurado akong pagdating ng panahon ay mas lalo niyang mapapalago ang kanilang negosyo," ngumiti lang ako kay Papa. Hindi ko naman masabi na ako na ang bahala sa aming negosyo dahil wala doon ang isip ko. I'm still not letting go of my dream...

Kinaumagahan ay hinintay ko talaga ang pagdating ni Mama at Avi. I'm not really sure yet what to say but I need to do this because I promised Papa. Umalis na siya at nagpunta sa planta pagkatapos naming mag-almusal. Ako ay nandito lang sa sala at hinihintay ang kanilang pagdating. It's already past lunch. Sana ay parating na sila...

Napatayo ako nang marinig na ang ingay ng isang sasakyan. Inayos ko ang laylayan ng suot kong bestida bago dumiretso sa pintuan para salubungin sila.

Betraying HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon