Prologue

316 9 3
                                    

It's just so fascinating how a tragic end could be the start of a new beginning. A beginning so wonderful and full of hope.

But a life that will also lead to an end to give way for another tragedy to start.

That's how the cycle goes. Life is just about the light and the dark. Life and death.

Just like how autumn leads to spring. How each flower, leaf and tree dies just to bloom again and start a new life. How the warm days of summer turn into those cold nights of winter. How a destructive storm can paint a brilliant rainbow over the sky.

How the dark embraces the light of day to showcase its beauty and how sunshine replaces the night sky, kissing everything its light touches.

That's my favorite of all. The sunrise and sunset. Dusk and dawn. The in between of night and day.

I just love how it reminds me of how beautiful it is to wait for the ending and to start anew. It gives chances and promises change. It makes me want to anticipate every tomorrow of my life. Because no day is the same as the other. It's always different.

Every tomorrow is different.

Pumikit ako ng mariin habang dinadama ang sariwang hangin na banayad na humahampas sa aking balat. I just watched another sunrise and now the sun is already high up in the sky. Ang malawak na lupain ng Tierra Hermosa ay nasisinagan na nito. I smiled as I inhaled the fresh scent of nature na lalong pinabango ng nagdaang ulan kagabi. The leaves and flowers are dancing with the wind.

Inipit ko sa likod ng aking tenga ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakatali dahil sa hangin bago tumingin sa ibaba ng teresang kinatatayuan ko. Medyo basa ang lupa dahil sa malakas na pag-ulan. Ang mga dahon at bulaklak ay may mga mumunting butil ng tubig na kumikinang sa sinag ng araw.

"Another day to be thankful for." Bulong ko sa sarili.

Muli kong pinagsawa ang mga mata sa tanawin sa aking harap. Berdeng berde ang damo at kitang kita ang ilang taniman at palayan. Pagkatapos noo'y ang malawak na kagubatan at bulubundukin. May iilang hayop din ang gumagala ng malaya doon. Sa bandang kanan ay ang malawak na gubat na nagtatapos sa isang batis.

I grew up watching this scenery every night and day and I just can't seem to get tired of it. And for sure... I will never be.

Isang sulyap pa ang aking ginawa bago tumalikod na ng tuluyan. Baka kasi masyado na naman akong mamangha sa likha at hindi mapansin ang oras.

I took the different kinds of flower I picked earlier laying on the wooden table before finally going down from the watch tower I was in. Agad kong tinungo ang likod habang kipkip ang mga bulaklak na pinitas.

May bakod doon na gawa sa kahoy na parang walang hangganan sa lawak ng teritoryong sinasakop. The right part, when I'm facing the fence, is the way to our land. Ang sa kabila ay ang sa mga Dallesandro, ang pinakamayamang angkan sa Tierra Hermosa. Magkatabing magkatabi lang ang lupain namin. Ang tanging naghihiwalay sa mga ito ay ang fence na gawa sa kahoy at barbwires. Hacienda Dallesandro is way bigger than ours. Ang alam ko'y sa dulo nito, pag-aari na din nila ang batis na kakonekta ng sa gubat dahil lagpas pa doon ang kanilang sakop na lupain. Ang sabi-sabi'y hindi lang doon ang nasasakop nila dahil may lupain rin silang pag-aari sa iba't ibang parte ng bansa.

Agad akong naglakad patungo sa sirang parte ng kanilang bakod. Papasok iyon sa matatayog nilang puno na nagmistulan na ring gubat. Hindi halata ang sirang bakod doon dahil sa mga halamang tumatakip dito. Hinawi ko ang halaman at tumingin muna sa paligid bago pumasok.

Nang makapasok na sa matatayog na puno ay agad kong narinig ang huni ng mga ibon. Marahan ang ginawa kong paglalakad dahil sa pagbaon ng aking boots sa putikan hanggang sa matanaw na ang aking pakay na agad ko ring ikinasimangot. The flowers didn't bloom today. Maybe because of the storm last night. Bigo akong lumabas doon.

Betraying HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon